arm
ar·má·da
png |Ntk |[ Esp ]
:
malakíng pangkat ng mga barkong pandigma.
ar·ma·díl·yo
png |Zoo |[ Esp armadillo ]
:
mamalya (Dasypus novemcinctus ) na panggabi, matatalim ang kukô, at mahilig gumawâ ng lungga.
ar·má·do
pnr |[ Esp ]
:
may sandáta.
ar·ma·dú·ra
png |[ Esp ]
1:
baluti ng magneto : ARMATURE
2:
Mek
pagbabalangkas o pagbubuô ; pataas na estruktura.
Ar·ma·géd·don
png |[ Ing ]
1:
sa Bagong Tipan ng Bibliya, ang hulíng pagtutunggali ng mabuti at masamâ bago sumapit ang Araw ng Paghuhukom ; o ang pook na pangyayarihan ng hulíng labanán
2:
madugo, malakí, at mapagpasiyang sagupaan.
ar·ma·mén·to
png |Mil |[ Esp ]
1:
armas at kasangkapang militar, lalo na ang mga kanyon ng bapor pandigma
2:
proseso ng pag-aarmas para sa giyera.
armchair (árm·tseyr)
pnr |[ Ing ]
:
hindi praktikal at kulang sa aktuwal na karanasan.
armchair (árm·tseyr)
png |[ Ing ]
:
silyón ; butáka1
ar·me·lí·na
png |Zoo |[ Esp ]
:
balát ng arminyo.
Armenia (ar·mín·ya, ar·mén·ya)
png |Heg |[ Ing Esp ]
:
bansa sa Timog Silangang Europa katabi ng Turkey Cf ARMÉNYA
Ar·mén·ya
png |Heg |[ Ing Esp Armenia ]
:
baybay sa Tagalog ng Armenia.
ar·me·rí·ya
png |Mil |[ Esp armería ]
:
taguán ng sandata var armerya Cf ÁRMORÍ
ar·mé·ro
png |[ Esp ]
1:
tagaingat o tagatagò ng armas
2:
estante ng mga armas.
ár·mi
pnr |[ Ing ]
:
napakalakíng bílang ; napakarami.
ar·mín·yo
png |Zoo |[ Esp armiño ]
:
weasel (Mustela erminea ) na may kayumanggi o putîng balahibo, at itim ang dulo ng buntot.
ARMM (ey ar em em)
daglat |Heg |[ Ing ]
:
Autonomous Region in Muslim Mindanao.
ar·mo·ni·sas·yón
png |[ Esp harmonización ]
:
paglikha ng armonya.
ar·mo·nís·ta
png |Mus |[ Esp harmonista ]
1:
tao na may alam sa paglikha ng armonya
2:
tao na marunong sa armonyang pangmusika.
ar·món·ya
png |Mus |[ Esp harmonía ]
1:
2:
ar·món·yo
png |[ Esp harmonio ]
:
maliit na organong tumutunog sa pamamagitan ng metal na nilalabasan ng hangin : HARMONIUM
ár·mo·rí
png |Mil |[ Ing armory ]
1:
silid o taguán ng armas
2:
págawáan ng armas.