ate


-ate (eyt)

pnl |[ Ing ]
1:
-ádo, hal advocate, consulate
2:
Kem pambuo ng pangngalan na tumutukoy sa salt ng acid na may katumbas na pangngalan na nagtatapos sa -ic, hal abietate
3:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng produkto, hal sulfate
4:
pambuo ng pandiwa, hal agitate, calculate.

á·te

png |[ Chi a chi ]
1:
tawag sa nakatatandang kapatid na babae : ATSÍ1, ÍNSI, MÁNANG4, MÁNAY, MÁNDING
2:
magálang na tawag sa sinumang babaeng hindi gaanong matanda : ATSÍ1, ÍNSI, MÁNANG4, MÁNAY, MÁNDING Cf KÚYA

a·téb

png |[ Igo ]
:
patibong sa dagâ, karaniwang inilalagay sa bukid.

a·téd

png |[ Igo ]
:
seremonya upang pawiin ang gálit ng espiritu ng banal na basket sa ulo.

a·té·et

png |[ Pan ]

a·te·ís·mo

png |[ Esp ]
:
teorya o paniwala na walang Diyos : ATHEISM

a·te·ís·ta

png |[ Esp ]

atelier (a·tel·li·éy)

png |[ Fre ]
:
talyer o estudyo, lalo na ng isang artist o tagadisenyo.

A·té·nas

png |Heg |[ Esp ]
:
kabesera at pangunahing lungsod ng Greece : ATHENS

a·ten·dí·do

pnr |[ Esp atender+ido ]

a·te·né·o

png |[ Esp ]
1:
institusyon para sa pag-aaral ng panitikan o agham : ATHENAEUM
2:
tawag din sa aklatan : ATHENAEUM

a·ten·si·yón

png |[ Esp atención ]
1:
pagbibigay ng panahon, pansin, o espesyal na pangangalaga sa isang tao o isang bagay : ATTENTION Cf PANSÍN
2:
pagsasaalang-alang sa isang tao o sa isang bagay bilang mahalaga o interesante : ATTENTION
3:
Mil posisyon ng sundalo kapag nakatayông tuwid na tuwid at hindi kumikilos : ATTENTION
4:
sa korespondensiya opisyal, ang pagtawag sa pansin o pagsasaalang-alang ng iba pang tao, bukod pa sa pinatutungkulan, hinggil sa nilalaman ng liham : ATTENTION

a·tén·to

pnr |[ Esp ]
:
ganap na nakamasid.

a·té·o

png |[ Esp ]
:
tao na hindi naniniwala sa Diyos : ATEÍSTA, ATHEIST

a·tes·tá·do

pnr |[ Esp ]
:
pinagtibay o pinatunayan.