band


band

png |[ Ing ]
2:
iba-ibang kulay o materyales na nakaguhit sa isang bagay
3:
saklaw ng dalasan o habang-alon ng isang spectrum.

ban·dá

pnb
1:
sa dako ; sa gawî : DÁPIT
2:
malapit sa ; túngo sa : DÁPIT

bán·da

png |[ Esp ]
1:
Mus pangkat ng musikero : BAND1
2:
pangkat ng tao, hayop, at iba pa : BAND1
3:
organisadong pangkat ng mga taong may iisang layunin : BAND1
4:
makitid at malapad-lapad na pandekorasyong sintas o laso na isinusuot nang paalampay sa balikat o paikot sa baywang : BAND1, GÁRIT, KÍBAT, PRANHA2

bandage (bán·didz)

png |[ Ing ]

ban·da·há·li

png |[ ST ]
1:
punòng katiwala
2:
tagapangalaga o tagapamahala ng tahanan Cf MAYORDÓMO

band aid (bánd eyd)

png |Med |[ Ing ]
1:
uri ng dumidikit na plaster na may gása : KORÍTAS
2:
pansamantalang lunas.

ban·da·lâ

png |[ Kap ]
:
malaki at salá-saláng sisidlan na may hawakan.

ban·dá·la

pnd |ban·da·lá·han, i·ban·dá·la, mag·ban·dá·la |[ ST ]
1:
ibuhos o itapon nang malakas
2:
bumili o humanap ng mabibili.

ban·da·lís·mo

png |[ Esp vandalismo ]
:
sadya at malisyosong pagsirà ng ari-arian : PANINIRÀ1, VANDALISM

bán·da·ló

png |[ Esp vándalo ]
:
tao na nagwawasak ng mahalagang bagay : VÁNDAL

Bán·da·ló

png |Ant |[ Esp vándalo ]
:
tao na kabílang sa lahing Aleman na nanalasa sa Gaul at España noong ikalimang siglo AD : VÁNDAL

ban·dá·na

png |parisukat, tatsulok o mahabà at makitid na tela na inilalagay sa leeg, sa balikat o itinatalì sa ulo bílang pananggalang sa init at lamig o bílang palamuti |[ Ing ]
:
ALIDUNGDÓNG, SCARF.

ban·dáy

png

bandeau (ban·dú)

png |[ Fre ]
:
makitid na bánda na isinusuot sa ulo.

banded grunt (bán·ded grant)

png |Zoo |[ Ing ]

ban·dé·ha

png |[ Esp bandeja ]
:
malanday at malapad na kasang-kapang yari sa losa, tabla, plastik, o metal na ginagamit sa pagdadalá ng mga baso at katulad : PLATTER, TREY

ban·de·há·do

png |[ Esp bandeja+ado ]
:
kasangkapan na malaki at biluhabâng pinggan na lalagyan ng kanin o ulam : BAHAWÁN, PATILAMBÓ1

ban·dé·ra

png |[ Esp ]
:
watáwat var bandilà

ban·dé·ra·do

png |[ Esp abanderado ]
:
tao na may dalá ng watawat, ban·de·rá·da kung babae.

ban·dé·ra es·pan·yó·la

png |Bot |[ Esp bandera española ]
:
haláman (Canna indica ) na may malalakíng dahong lungti at bulaklak na karaniwang kulay pulá at dilaw, katutubò sa Gitnang America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español.

ban·de·ríl·ya

png |[ Esp banderilla ]
:
sibat na may palamuti, pang-ulos sa leeg o balikat ng toro.

ban·de·rín

png |[ Esp ]
1:
Mil bandila sa kampo
2:
bandilang panghudyat sa riles
3:
bandilang pantrapiko.

ban·de·rí·tas

png |[ Esp bandera+ ita+s ]
:
maliit na bandera : ISTRÍMER1, PANDALÁK

ban·de·ró·la

png |[ Esp ]
1:
bandilang panagisag
2:
bandilang panghudyat.

bánd·fish

png |Zoo |[ Ing ]

ban·dí

png |[ ST ]
:
lupang pinauupahan para kumíta.

ban·dì

png |[ Hil Seb ]

bán·di

png
1:
[Kap] yaman1–3 o kayamanan
2:
[Kap] íbig3
3:
[Akl] panotsá.

ban·dí·do

png |[ Esp ]
1:
táong lumabag sa batas dahil sa pagnanakaw, pandarambong, o pagpatay, lalo na sa paraang nakahihiya o walang-awa : DUGÁNG3, RENEGADE2 Cf TULISÁN1
2:
Pol tao na mapagsamantala sa iba, karaniwang sa pagpapatubò at pagkolekta ng sobrang bayad o patubò.

ban·dí·ha

png |[ Seb Esp bandeja ]
:
pagkaing ibinigay sa ninong o ninang sa umaga ng binyag o kasal.

ban·di·là

png
:
varyant ng bandéra.

ban·díl·yo

png |[ Bik Esp bandillo ]
:
mensahe o balita para sa komunidad.

ban·dí·ra

png |[ Mag ]

ban·di·ran

png |[ Bag ]
:
pinakamaliit na gong sa tangúnggu.

band leader (band lí·der)

png |[ Ing ]
:
táong namumunò o nangangasiwa ng bánda ng musiko.

bán·do

png |[ Esp ]
:
pagkakalat ng balita sa hangad na maláman ng lahat : ALIMPÚYUT

bán·dok

pnd |[ War ]
:
ibakás ang paa sa sahig.

ban·do·lé·ra

png |[ Esp ]
1:
asawa ng bandido
2:
babaeng bandolero
3:
sinturon na isinusuot sa ibabaw ng balikat pahalang sa dibdib, may maliliit na silò o bulsa upang paglagyan ng punglo at iba pang maliliit na bagay.

bán·do·le·rís·mo

png |Bat |[ Esp bandolero+ismo ]
:
krimen sa gawain ng bandido.

ban·do·lé·ro

png |[ Esp ]
:
laláking magnanakaw o mamamatay-tao, karaniwang kasapi ng isang pangkat, ban·do·lé·ra kung babae.

ban·do·lín

png |Mus |[ Esp ]
:
instrumento na may 8–12 kuwerdas na metál, karaniwang pinagpares-pares at may malalim at bilóg na sound box.

ban·dóng

png |Ntk |[ Seb ]
:
malakíng bangkâ na walang katig.

ban·dós

png |Asn |[ Ilk ]

ban·du·rís·ta

png |Mus |[ Esp ]
:
tagatugtog ng bandúrya.

ban·dúr·ya

png |Mus |[ Esp bandurria ]
:
instrumento na kauri ng gitara, 14 ang kuwerdas, at hugis itlog ang katawan.

bán·dus

png |Asn |[ Ilk ]

bánd·wág·on

png |[ Ing ]
1:
wagon na sinasakyan ng bánda sa parada
2:
bagay o idea na sinusundan ng marami.

bán·dying-bán·dying

pnr |[ bánda+ Kol dying - bánda+Kol dying ]
:
walang direksiyong paglalakad ; walang patutunguhan : PABÁNDYING-BÁNDYING