bangi


ba·ngí

png |[ Kap ]
2:
[Tag] varyant ng bangî.

ba·ngî

png
:
pag-iihaw ng mais o karne var bangí

bá·ngi

png
1:
Bot punongkahoy (Caryota cumingii ) na mahibla
2:
[Ilk] katutubòng sayaw na paikot-ikot.

ba·ngí·bang

png |[ Iba Ifu ]
1:
plumahe ng ibon at iba pang hayop, karaniwang kinukulayan at gina-gamit na palamuti sa mga sombrero, gora, o kapasete : BALANGÉT
2:
tabla na pamalò
3:
Mus instrumentong hugis hanger, yari sa kahoy, at hinahampas ng kaputol ng kahoy para patunugin, karaniwang gina-gamit sa mga ritwal : KATÚPI, TALÁMPI
4:
Zoo [ST] pakpák2

ba·ngí·bang

pnr |[ ST ]
:
punô ng iba’t ibang bagay.

ba·ngí-ba·ngí

png |Zoo |[ Hil ]
:
uri ng maliit na crustacean na magkahalòng putî at asul ang kulay at hindi maaaring kainin ng tao.

ba·ngíd

pnr |Med |[ ST ]
:
manhid1 karaniwang ang paa.

ba·ngíg

png |[ Ilk ]
:
punyal na hugis dila.

bá·ngig

png |[ Hil ]

ba·ngíl

png |[ Hil Seb War ]

bá·ngil

pnr

ba·ngi·lán

png
1:
[ST] pagpapangalan ng áso batay sa balahibo
2:
buhok o balahibo ng hayop na salu-salubong.

ba·ngín

png |Heo |[ Kap Tag War ]
:
makitid na lambak na may matarik na gilid, karaniwang bunga ng pag-agnas ng rumaragasang tubig : BARÁNGKA1, BAWÁNG2, BÛ-NGAW, CLIFF, GALILÍ, NULLAH2, PRÉSIPÍSYO, SULÓNG, TALONTÓNAY, TILÚNAS, TINGKUBÁ Cf LÚNAS7

bá·ngin

pnb |[ War ]

ba·ngí·ngay

png |Zoo
:
varyant ng bangayngáy.

bá·ngir

png |[ Ilk ]

ba·ngís

png |[ Bik Hil Kap Seb ST ]
:
malahayop na bagsik : BANGGIÍT, BANGHÍS, BUNGÍS, DAWÓL2, ÍLA, KAÍSOG, KAPÍNTAS

ba·ngít

pnr |[ ST ]
2:
nagalit o nagrebelde.