bano
ba·nóg
png |Zoo |[ Hil Seb War ]
1:
láwin var banúg
2:
uri ng malaking bánoy (Spizaetus Philippensis ) na madilim na kayumanggi ang kulay ng likod at pakpak, at mamulá-muláng kayumanggi ang dibdib at tiyan : PHILIPPINE HAWK-EAGLE
ba·nó·ga
png |[ Kal ]
:
bintana ng kubo.
ba·nog·lá·win
png |[ ST ]
:
kasangkapan para máláman ang direksiyon ng simoy ng hangin : BELÉTA1,
BILÍNG-BILÍNG2,
GIRIMPULÁ,
GIRIMPULÁD,
KATABYÉNTO,
PABILÍNG,
PALÍGPALÍG,
PATUBILÍNG,
PIRÁPIR,
PÚLAD3,
TUDLÒ HÁNGIN,
TÚLAK-BAHALÀ,
WEATHER COCK,
WEATHER VANE
bá·nor
png |[ Ilk ]
1:
piraso ng pinatuyông isda o karne
2:
Bot
lentéhas na mahahabà ang bunga.
ba·nós
png |[ ST ]
:
pagbago sa linya ng pangangatwiran o pagsasalita.
bá·nos
png
1:
Agr
isang bloke ng mga pitak ng lupang sakahan
2:
[ST]
pagiging tuwid ng pagkakatayô ng bahay, haligi, mohón.
bá·not
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng baging na pambigkis.
ba·nó·wa
png |[ ST ]
:
ang langit o ang panahon.