lawin


lá·win

png |Zoo |[ Chi law ing ]
:
alinman sa mga ibong mandaragit (family Accipitridae o family Falconidae ) na aktibo sa umaga : BANÓG1, BULÁWE, DAPÁY, HALKÓN, HAWK, KALÍ3

la·wíng

png |[ Kap Tag ]
:
basahang gulanit o nisnis at nakasampay o nakabitin.

lá·wing

png |[ ST ]
:
pagsasabit ng anuman.

la·wíng-la·wíng

png |[ ST ]
:
pagsasabit ng anumang mahabà.

la·wing·wíng

png
1:
kalagayan ng isang bagay na nakalawit o nakalawing
2:
anumang bagay na ginagamit na palawit.

lá·win-lá·win

png
1:
[ST] bagay na tíla lumilipad
2:
Zoo isdang may maikling palikpik at tíla lumilipad paglukso.