bulong


bu·lóng

png |pag·bu·lóng
1:
[Kap Tag] pagsasalita nang mahinàng-mahinà, karaniwan sa pamamagitan ng hiningá sa halip na sa lalamunan, lalo na sa kapakanan ng paglilihim : ARASÁAS, ARIMEKMÉK1, BUZZ3, ESÁES, HINGHÍNG, HÚNGHONG, HURÍNG, HUTÍK, ÍRDONG, TÓNGTONG3, WHISPER Cf ANÁS — pnd bu·lu·ngán, bu·mu·lóng, i·bu·lóng
2:
[ST] pagsasabi ng masamâ sa talikuran
3:
mahiwagang salita
4:
Bot [Ilk Pan] dáhon1

bú·long

png
1:
Med [Bik Hil Seb War] gamót1

bu·long-bu·lú·ngan

png |Kol
:
lihim ngunit pinag-uusapan ng marami : HUNGÍHONG, HÚROB-HÚROB