can
caña (kán·ya)
png |[ Esp ]
1:
Mus
manipis na dila, gawa sa kahoy, kawayan, yantok, o katulad, at inilalagay sa bokilya ng ilang instrumentong hinihipan
2:
Bot
tubó.
Canaan (kéy·nan)
png |Heg |[ Ing ]
:
rehiyon na napapalibutan ng Jordan, Dagat Patay, at Dagat Mediteraneo.
Canada (ká·na·dá)
png |Heg |[ Ing ]
:
pangalawa sa pinakamalaking bansa sa mundo.
caña fistula (kán·ya fis·tú·la)
png |Bot |[ Esp ]
:
golden shower.
canape (ká·na·péy)
png |[ Fre Esp Ing ]
:
maliit na piraso ng tinapay o keyk na may tampok na pampalasa sa ibabaw, karaniwang isinisilbi bílang pampagana.
Cancer (kán·ser)
png |[ Ing ]
1:
Asn
konstelasyon na kumakatawan sa anyo ng alimango
2:
Asn
pang-apat na senyas ng zodyak (21 Hunyo –22 Hulyo ) at isinasagisag ng alimango ; o ang tao na ipinanganak sa loob ng ganitong senyas.
Canlaon (kan·la·ón)
png |Heg
:
lungsod sa Negros Oriental.
cannabinol (ka·ná·bi·nól)
png |Kem |[ Ing ]
:
kristal na phenol, may mga deribatibong aktibong substance ng cannabis.
cannelloni (ka·ne·ló·ni)
png |[ Ita ]
:
hugis túbo o inirolyong pasta na may palamáng karne o halo ng mga gulay.
cannery (ká·ne·rí)
png |[ Ing ]
:
pabrika ng pagkaing de-lata.
canopy (ká·no·pí)
png |[ Ing ]
1:
talukbong na isinasabit sa itaas ng trono, kama, at katulad : SINDANG
2:
lona o kumot na silungan
3:
Bot
pinakamataas na susón ng mga dahon ng mga punò
4:
talukbong ng parasyut.
cantabile (kan·tá·bi·léy)
png |Mus |[ Ita ]
:
malamyos na estilo ng pagkanta.
cantaloupe (kán·ta·lúp)
png |Bot |[ Fre ]
:
maliit at bilugán na uri ng melon at kulay dalandan ang laman.
cantata (kan·tá·ta)
png |Mus |[ Ita ]
:
maikling komposisyong pangmusika na may solong pag-awit, karaniwang sinasaliwan ng orkestra at koro.
canthus (kán·tus)
png |Ana |[ Ing ]
:
panlabas at panloob na sulok ng mata, tagpuan ng ibabâ at itaas na mga talukap.
cantilena (kan·ti·lí·na)
png |Mus |[ Ita ]
:
payak at tuloy-tuloy na himig.
cantilever (kán·ti·lí·ver)
png |Ark |[ Ing ]
:
mahabàng baras na nakausli sa dingding, nagsisilbing salalayan ng balkonahe at ibang katulad na estruktura.
canton noodles (kán·ton nú·dels)
png |[ Ing ]
:
pansít kantón.
canvass (kán·vas)
pnd |[ Ing ]
2:
sa eleksiyon, magbiláng ng boto : KÁMBAS2
3:
sa bidding, humingi ng mga lahók : KÁMBAS2
4:
sa sarbey, humingi ng opinyon : KÁMBAS2
canyon (kán·yon)
png |Heo |[ Ing ]
:
malalim na bangin, karaniwang may ilog sa ibabâ.
canzoneta (kán·zo·né·ta)
png |Mus |[ Ing ]
1:
awit na maikli at magaan
2:
uri ng madrigal.