daha
da·hà
png |Kom |[ ST ]
:
pag-iimbak o pagtitinggal ng kalakal para itinda ito nang mas mahal.
da·hák
png |pag·da·hák
da·há·ka
png |[ ST ]
:
ukab na ginagawâ sa tabla kapag nag-uumpisang mabiyak para mapigilan ang pagkabiyak.
dá·han
png
1:
galaw o kilos na mabagal
2:
hina o kakulangan ng sidhi
3:
ingat sa pagkilos o paggawâ upang mas mahusay ang resulta var ráhan — pnr ma·rá·han.
dá·han-dá·han
pnr pnb
:
may katangiang napakarahan sa paggawâ at pagkilos : ÁTAY-ÁTAY,
HÍNAY-HÍNAY,
INÁNAY,
ÍNOT-ÍNOT,
ÍNOY-ÍNOY,
ÍRAM-ÍRAM,
MÉDYA-MÉDYA Cf UNTÎ-UNTÎ
da·hás
png |[ Bik Tag War ]
1:
paggamit ng puwersang pisikal upang makapinsala o umabuso ; o ang paraan o halimbawa nitó : BIYOLÉNSIYÁ,
VIOLENCE
2:
ka·ra·ha·sán matindi, magulo, o malupit at karaniwang mapaniràng kilos o lakas : BIYOLÉNSIYÁ,
VIOLENCE
3:
ka·ra·ha·sán masamâng damdamin o mga kilos bunga ng gayong damdamin : BIYOLÉNSIYÁ,
VIOLENCE — pnr ma·ra·hás
4:
kawalan ng ingat at pagtitimpi, lalo na sa pagpapasiya.
dá·hat
png |[ ST ]
:
pakinábang1 karaniwang nása anyong negatibo, hal walang karahatan.
da·hát·da·hát
pnd |du·ma·hát·da·hát, mag·da·hát·da·hát |[ ST ]
:
umurong, gaya ng damit na nilabhan.
dá·hat·dá·hat
png |[ ST ]
:
pagkakaroon ng hiya o pagbabantulot sa gagawin dahil nahihiya.