dama


da·má

png |pag·da·má
:
pagdánas o pagkilála sa isang bagay o tao sa pamamagitan ng pandamá : FEELING2 Cf FEEL — pnd dam·hín, i·pa·da·má, ma·da·má.

dá·ma

png
1:
Isp larong Filipino na kahawig ng ahedres at may layon na ubusin ang piyón ng kalaban
2:
[Esp] ábay3

dama de noche (dá·ma de nó·tse)

png |Bot |[ Esp ]
:
halámang ornamental (Cestrum nocturnum ) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahalimuyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika var dáma de-nótse

dá·ma de-nót·se

png |Bot
:
varyant ng dama de noche.

da·mág

png |[ Kap ST ]
:
buong gabi Cf MAGDAMÁG

da·mág

pnr |[ ST ]
:
sanáy o marunong sa isang bagay.

dá·mag

png
1:
anumang hila o kaladkad sa tubig
2:
[Hil] katawan ng kaluluwa
3:
[Ilk] balità
4:
[ST] pagpasan ng náhúling malakíng isda
5:
sa Benguet, ritwal ng pagkakatay ng mga hayop sa loob ng limáng araw bago maglibing.

damage (dá·meyds)

png |[ Ing ]

da·ma·hán

png |[ dama+han ]
:
tabla o kartong may 64 parisukat na may dalawang salit-salit na kulay at ginagamit sa paglalaro ng dáma.

dá·ma·hu·wá·na

png |[ Esp damajuana ]
:
malakíng bote na may maikli at makitid na leeg, nakapaglalamán ng 1-10 galon.

da·mák

png
1:
lápad ng palad
3:
[ST] pagbibilí nang múra.

da·mák

pnr
1:
bukás ang palad
2:
[Hil] marumí.

da·mán

pnd |du·ma·mán, mag·da·mán |[ Seb ]
:
magsalita sa pagtulog.

dá·man

png |Lit |[ Tau ]
:
matalinghagang pahayag sa ligawan at seremonya ng kasal : BALINGAKÁTA

da·máng

png |Zoo |[ Akl Hil ]

dá·mang

png
:
yerbang isinasapin sa karne ng usa o baboy kapag hinihiwa o tinatadtad.

da·má·ra

png
1:
balag na may mga palamuti, may atip na dahon ng saging, bunga, o niyog, at may balantok sa pinakaharapan na nagagayakan ng mga papel na sari-saring kulay
2:
silungan na may apat na poste.

da·ma·rá·ma

png |[ Esp ]
1:
disenyong binubuo ng magkakadikit na parisukat
2:
pasabat-sabat na guhit, talì, metal, o kawayang tinilad na nakalilikha ng mga matá o puwang na magkakaisa ang hugis, ayos, at luwang, karaniwang ginagamit sa saranggola, bintana, dingding, at iba pa.

da·ma·sé·no

png |Sin |[ Esp damaceno ]
:
dibuho o anumang ginagawâ sa pamamagitan ng paghábi o pag-ukit.

da·más·ko

png |[ Esp damasco ]
:
telang yarì sa linen, sutla, bulak, o lana na hinábi nang may dibuho o disenyo.

dá·may

png
1:
túlong, saklólo, o pakikiisa sa hirap, dalamhati, o anumang hindi mabuting kalagayan
2:
pagsangkot o pagkakasangkot sa isang pangyayari
3:
pakikibahagi sa gawain — pnd da·má·yan, du·má·may, i·dá· may, ma·dá·may, ma·ki·rá·may.

da·ma·yán

png |[ dámay+an ]
1:
tulungán ; pagtutulungan
2:
layunin o mithiin ng mga kooperatiba.

dá·may-dá·may

pnr
1:
túlong-túlong ; nagtutulungan
2:
dáwit-dáwit ; isinangkot.