dibdib


dib·díb

png |Ana
1:
bahagi ng katawan ng tao o hayop na nakapaloob sa tadyang ; harap ng rabaw ng katawan mulang leeg hanggang balakang : BREAST2, DAGHÁL, DÚGHAN, SALÙ
2:
Ana pusò1

dib·díb

pnd
1:
dib·di·bín pangatawanan ; ikasamâ ng loob
2:
dib·di·bán, mag·dib·dí·ban suntukin sa dibdib ; magsuntukan nang malakas
3:
ma·ki·pág-i·sáng-dib·díb magpakasal.

dib·dí·ban

pnr |[ dibdíb+an ]
:
tapat at walang humpay, gaya sa dibdibang panliligaw.