salu
sa·lu·ba·yó
png |Mek |[ salo+bayo ]
:
shock absorber.
sa·lu·bit·bít
png |[ ST ]
:
bagay na dalá-dalá katulad ng regalo, o bagay na nais ipagbili.
sa·lu·bóng
pnr
:
nagtagpo mula sa magkasalungat na dalawang daloy o panig.
sa·lú·bong
png |[ Kap Tag ]
1:
2:
pag·sa·sa·lú·bong pagtatagpô1
3:
sinumang tagatanggap ng panauhin — pnd mag·sa·lú·bong,
pa·sa·lu·bú·ngan,
sa·lu·bú·ngin.
Sa·lú·bong
png |Tro
:
pagtatanghal tuwing Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng estatwa ni Kristo at ni Birhen Maria : ALELÚYA,
PADÁFUNG,
PAGKABÚHAY3,
SÚGAT
sa·lub·sób
png
1:
sa·lu·gá·sig
png |[ Ilk ]
:
huni ng ibon tuwing bukang-liwayway.
sa·lú·gi
png |[ Kap ]
:
ílaw1 o ilawán.
sa·lug·mók
png |[ ST ]
:
pakikisali sa isang bagay kahit hindi tinatawag.
sa·lug·sóg
png
1:
2:
[Bik Ilk]
varyant ng salubsób
3:
pagtatapal ng maliliit na kawayan sa pinagdugtungan ng bangka
4:
hindi maayos na pagsusulsi sa damit.
sa·lu·ka·lák
png |[ ST ]
:
tortang gawa sa arinang bigas at gata ng niyog.
sa·lu·kam·báng
png |[ ST ]
:
paha sa tiyan.
sa·lu·két
png |[ Ilk ]
:
anumang bahagi ng dingding na maaaring pagsuksukan.
sa·luk·ná·ngan
png |[ Ilk ]
:
tagiliran ng hayop.
sa·lú·koy
png |[ ST ]
:
salitang-ugat ng kasalukúyan, ang nagaganap ngayon na gawain o pangyayari.
sa·luk·sók
png
:
paglilinis hanggang sa kasulok-sulukan.
sa·luk·sók
pnr
:
dinadalá nang nakasuksok sa sinturon, karaniwang sandata.
sa·lu·lò
png |Ark
:
alulod na gawâ sa kawayan.
sa·lum·ba·bâ
png |[ saló+ang+babâ ]
1:
2:
benda na nakapalibot sa ulo ng patay mulang babà hanggang tuktok ng ulo : GAMBÂ
sa·lum·pi·ngáw
png |Bot |[ Ilk ]
:
murà at payat na suloy ng kawayan.
sa·lum·póng
png
:
pag-uumpugan ng mga ulo.
sa·lú·nga
png
1:
kilos o daloy na salungat
2:
pag-akyat sa mataas na pook.
sa·lu·ngán
png |[ salong+an ]
:
kaluban o suksukan ng pana.
sa·lu·ngát
pnr
1:
laban sa anumang puwersa, hal salungat sa hangin, sa kahirapan, o sa idea : ANTITÉTIKÓ,
BANGBÁNG,
CONTRARY1,
SALANSÁNG1,
SALUNGSÓNG,
SÓPAK,
SUNGPÁ,
SUPÁDI Cf LÁBAN
2:
ginawâ ang isang bagay sa paraang lihis sa karaniwan, hal inahit ang buhok sa ulo pataas.
sá·lu·ngá·tan
png |[ salungát+an ]
:
anumang hindi maayos na ugnayan ng dalawa o mahigit na panig : CONFLICT,
DIPERÉNSIYÁ2,
LABANÁN1,
HIDWÀAN1
sa·lung·gú·hit
png |[ saló+na+gúhit ]
:
linyang tuwid na nakapailalim sa isang titik, salita, numero, at katulad : RÁYA2,
UNDERLINE1
sa·lung·ká·wit
png
1:
suporta na nakasabit sa taas
2:
baluktot na bagay, gaya ng kawit ng sungkit
3:
kawayang inilalagay sa balikat at nagdadalá ng anumang bagay.
sa·lung·káy
png
1:
pagtungkab ng bató sa ilog sa paghahanap ng mga isdang nakatago
2:
3:
Bot
isang uri ng palay.
sa·lung·ki·pót
png |Heo
:
pulô o lupain na makitid, pahabâ, at may mga ilog sa mga gilid.
sa·lú·ngo
png |Zoo
:
alinman sa mga lamándagat sa class Echinoderm na habilog, may malutóng na talukab at nababálot ng masinsin at matalim na tinik : SEA URCHIN,
TIRÍK Cf TAYÚM
sa·lung·sóng
png
1:
tulay sa barko at daungan
2:
tao na sumusundô o sumasalubong
3:
pagtupi sa dahon ng buyo matapos lagyan ng apog
4:
paglalayag laban sa hangin o alon.
sa·lu·nò
png
:
pagsundo o pagkaon sa panauhin.
sa·lu·pá
png
:
kawayang pinaghugpong.
sa·lu·pa·ka·ná
pnr |[ ST ]
:
malaswa o bastos sa pananalita.
sa·lú·pil
png |[ ST ]
1:
dagdag na sapin sa ilalim ng sisidlan ng mga butil
2:
pagsiksik ng sisidlan upang magkasiya pa ang iba.
sa·lu·ping·píng
png |Zoo |[ Ilk ]
:
palikpik sa tiyan.
sa·lu·pi·nít
png |[ ST ]
1:
2:
masamâng tao
3:
masamâ ang pagkakatunaw
4:
búko ng punongkahoy
5:
tao o halaman na hindi maayos ang paglaki.
sa·lu·ra·pâ
pnr |[ salo+dapa ]
:
labis na humaling.
sa·lú·sog
png
1:
paglusong sa ilog upang maghanap ng isang bagay
2:
pagdadraga sa tubigan upang hanapin ang isang bagay.
sa·lú·sol
png
:
pag-aalis ng anumang nása ilalim sa pamamagitan ng daliri.
sa·lu·tas·yón
png |[ Esp salutacion ]
1:
batì ng pagpupugay : SALUTATION
2:
batìng pambungad : SALUTATION
salutatorian (sa·lu·ta·tór·yan)
png |[ Ing ]
:
estudyanteng nagtapos bílang pangalawa sa valedictorian.
sa·lu·wáy
png |[ ST ]
1:
pagpasan ng isang bagay na nakasabit sa isang pingga
2:
pagkukrus ng mga kamay kapag umiinom.
sa·lú·yot
png |Bot |[ Ilk ]
:
haláman (Corchorus olitorius ) na nakakain at masustansiya ang dahon.