dog
do·gà
pnd |mag·dó·ga, pag·do·gá·han |[ ST ]
1:
arukin ang lalim
2:
hikayatin o akitin ang sinuman sa pamamagitan ng kasinungalingan.
dó·gal
png |[ ST ]
:
anumang madugo.
dó·gay
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng isda.
dogfight (dóg·fayt)
png |[ Ing ]
1:
Mil
málapítang labanán ng mga arma-dong sasakyang panghimpapawid
2:
magulong away o labanán, gaya ng away ng mga áso.
doggerel (dá·ge·rél)
png |Lit |[ Ing ]
:
tulang walang kabuluhan ; tugma-tugmaan.
Do·gí·dog
png |Lit |[ Tin ]
:
tamad at hikahos na laláking yumaman matapos maangkin ang pusang naghunos tandang.
dog·kál
pnd |dog·ka·lán, dog·ka·lín, du·mog·kál, i·dog·kál, mag·dog·kál |[ ST ]
:
maghukay ng isang bagay sa lupa Cf DUKÁL1
dóg·ma
png |[ Esp Ing ]
1:
doktrina o sistema ng mga doktrinang pormal na iminumungkahi o itinakda ng isang simbahan o lupong relihiyoso at itinuturing na awtoritatibo
2:
prinsipyo, paniniwala, o doktrina, karaniwang pormal na nakasaad at ipinalalagay na awtoritatibo.
dog·má·ti·kó
pnr |[ Esp dogmatico ]
:
nagpapahayag ng dogmatismo.
dog·ma·tís·mo
png |[ Esp ]
:
awtoritatibo at kadalasang aroganteng pamamaraan ng paghahayag ng opinyon o paniniwala.
dog·ma·tís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na nagpapahayag nang tiyak sa kaniyang sariling kuro-kuro
2:
tao na bumabalangkas ng dogma.
dogwood (dóg·wud)
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (genus Cornus ) na may ma-tingkad na puláng sanga at lungtiang putî na bulaklak.