dagdag


dag·dág

png |pag·da·dag·dág |[ Bik Hil Ilk Kap Mag Tag War ]
:
kilos o proseso ng pagsasáma ng dalawa o mahigit pang bagay o sangkap upang magdulot ng pagdami sa bílang, súkat, o halagá : ACCESSORY1, ADDENDUM1, ADISYÓN1, DÓGAN, DÚGANG, LABÍ4, PAHÁBOL1, SÚLPAK, ÚLOL — pnd dag·da·gán, du·mag·dág, mag·dag·-dág.

dag·dág-bá·was

png
1:
Pol paraan ng pagdaraya kung halalan sa pamamagitan ng pagdaragdag sa mga boto ng nais manalo at pagbabawas sa mga boto ng nais matalong kandidato
2:
anumang katulad na pandaraya.

dag·dág kay

pnu |[ Bik Hil Ilk Kap Mag Tag War ]
:
nangangahulugang kasáma at ginagamit bago ang pangalan ng isang tao : ASIDE FROM, BUKÓD KAY Cf LÍBAN KAY

dag·dág sa

pnu |[ Bik Hil Ilk Kap Mag Tag War ]
:
nangangahulugang kasáma at ginagamit bago ang pangalan ng isang pook, bagay, at iba pa : ASIDE FROM, BUKÓD SA Cf LÍBAN SA