ec
EC (í·si)
daglat |Pol |[ Ing ]
:
European Community.
Ecclesiasticus (ik·lí·si·yás·ti·kús)
png |[ Lat ]
:
sa Bibliya, aklat sa Apocrypha na naglalamán ng mga moral at praktikal na kasabihan.
echeveria (et·se·ve·rí·ya)
png |Bot |[ Ing Esp ]
:
yerbang (Echeveria secunda ) makatas at walang punò, malapad, masinsin, at matubò ang dahon, at pulá ang bulaklak ; katutubo sa Mexico.
echinoderm (e·káy·no·dérm)
png |Zoo |[ Ing ]
:
anumang hayop sa tubig (phylum Echinodermata ) na may bahaging parang sinag o silahis, gaya ng bituing-dagat, salangò, at katulad.
echocardiography (é·kow·kar·dyó· gra·fí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa galaw o tibok ng puso.
echoencephalography (é·kow·en· sé·fa·ló·gra·fí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa mga estruktura sa loob ng bungô.
eclair (í·kleyr)
png |[ Ing ]
:
keyk na maliit at biluhabâ na may palamáng krema, at may tsokolate o kape sa ibabaw.
eco- (é·ko, í·ko)
pnl |[ Ing ]
:
tumutukoy sa ekolohiya.
ecosphere (í·kows·fír)
png |Asn |[ Ing ]
:
rehiyon sa kalawakan, kabílang ang mga planeta na maaaring pamuhayan.
ecosystem (í·kow·sís·tem)
png |[ Ing ]
:
biyolohikong komunidad ng magkakaugnay na organismo at ang kaligiran ng mga ito.
ecru (éy·kru, ek·rú)
pnr |[ Ing ]
:
mapusyaw na kulay kape.
ecstasy (éks·ta·sí)
png |[ Ing ]
1:
labis na kaligayahan
2:
Sik
emosyonal o relihiyosong pagkawala sa sarili o pagkatulala.
ecto- (ék·to)
pnl |[ Ing ]
:
nangangahulugang sa labas.
ectogenesis (ék·to·dyé·ni·sís)
png |Bio |[ Ing ]
:
pagsulpot ng mga estruktura sa labas ng organismo.
ectomorph (ék·to·mórf)
png |[ Ing ]
:
sa pag-eehersisyo, katawang payat.
-ectomy (ék·to·mí)
pnl |[ Ing ]
:
tumutukoy sa pagtanggal ng isang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng operasyon.
ectoplasm (ék·tow·plá·sam)
png |[ Ing ]
:
malinaw at malagkit na panlabas na bálot ng cytoplasm sa unicellular na organismo tulad ng amoeba.
Ecuador (ék·wa·dór)
png |Heg |[ Ing ]
:
republika sa hilagang kanlurang Timog America.