finger
finger alphabet (fíng·ger ál·fa·bét)
png |[ Ing ]
:
anyo ng wika sa pamamagitan ng senyas na gamit ang daliri.
finger food (fíng·ger fud)
png |[ Ing ]
:
pagkain na hindi ginagamitan ng kutsara at tenedor ; pagkain na maaaring kamayin.
fingering (fíng·ge·ríng)
png |Mus |[ Ing ]
1:
paraan o sining ng paggamit ng mga daliri, lalo na sa pagtugtog ng instrumento
2:
indikasyon nitó sa musikang nakasulat.
finger painting (fíng·ger péyn·ting)
png |Sin |[ Ing ]
1:
pagpipinta sa pamamagitan ng daliri o palad
2:
pinturang gawâ sa ganitong paraan.
fingerprint (fíng·ger·prínt)
png |[ Ing ]
:
marka na kinukuha sa rabaw ng dulo ng mga daliri, karaniwang ginagamit sa pagkilàla ng isang indibidwal.