full
full (ful)
pnb |[ Ing ]
:
hanggang sa sukdulan.
full-blooded (ful-blá·ded)
pnr |[ Ing ]
1:
lubhang malakas
2:
malibog o may natatanging libog
3:
hindi hybrid.
full-blown (fúl-blown)
pnr |[ Ing ]
1:
ganap na ang laki
2:
sa bulaklak, lubos nang nakabuka.
full-bodied (ful-bá·did)
pnr |[ Ing ]
:
mayaman sa kalidad, himig, at katulad.
full em·plóy·ment
png |[ Ing ]
1:
kondisyon na walang nasasáyang na kapital o paggawâ ng anuman na kailangan
2:
kondisyon na may trabaho ang may kakayahan at gustong gumawa.
full-grown (fúl-grown)
pnr |[ Ing ]
:
husto na ang gúlang ; nása gúlang.
full hand
png |[ Ing ]
:
full house2
full house (fúl haws)
png |[ Ing ]
1:
tawag sa sinehan o teatro kapag punô ng tao
2:
sa larong poker, ang set na binubuo ng tatlong magkakaparehong bílang o antas ng baraha na magkakaiba ng suit at ng pares na baraha, hal tatlong reyna at dalawang diyes : FULL HAND
full-length (fúl-length)
pnr |[ Ing ]
1:
may karaniwan, istandard, o maksimum na habà
2:
hindi pinaikli.
full measure (ful mé·syur)
pnr |[ Ing ]
:
hindi bábabâ sa ipinahayag na halaga o súkat.
full page (fúl peydz)
pnr |[ Ing ]
:
isang buong páhiná ng peryodiko at iba pa.
full proféssor (ful pro·fés·sor)
png |[ Ing ]
:
propesor na may pinakamataas na antas sa unibersidad at iba pa.
full-scale (ful-is·kéyl)
pnr |[ Ing ]
:
walang bawas sa súkat.
full-term (fúl-term)
png |Med |[ Ing ]
:
kaganapan ng normal na pagbubuntis.
full-time (fúl-taym)
png |[ Ing ]
:
kabuuan ng normal na tagal ng trabaho at katulad.
full-timer (ful-táy·mer)
pnr |[ Ing ]
:
tao na nagtatrabaho nang full time.