hinga


hi·ngá

png
1:
Bio pag·hi·ngá paghigop ng hangin o oxygen papunta sa bagà at pagbubuga nitó : ÁSPIRASYÓN1, HIMANMÁN2, PRÁNA3, RESPIRASYÓN1
2:
[ST] pa·hi·ngá pagtigil sa trabaho o anumang nagpapabilis sa paghingá
3:
[ST] biyak sa plato
4:
[War] híngal.

hi·nga·bâ

png |[ hing+abâ ]

hi·ngá·han

png |[ hinga+han ]
1:
[ST] hangin o kaligiran na umaakit sa mga hayop
2:
sumbúngan ng samâ-ng-loob.

hí·ngal

png |[ Bik Seb ST ]
:
paghinga na mabilis at malakas ang tunog, karaniwang dahil sa pagod : HÁGAK, HALHÁL, HÁNGAK, HÁNGOS1, HINGÁ4, SÁKA5

hi·nga·lás

png |[ hing+kalas ]

hi·ngá·lay

png |[ hing+kaláy ]
:
pahingang panandalian lámang mula sa isang gawaing pisikal upang makabawi ng lakas : HUYÁHOY

hi·nga·lís

png |[ hing+kalís ]
:
pag-aalis ng bahay gagamba, agiw, dumi, at iba pa sa bubong.

hi·nga·lô

png |pag·hi·hi·nga·lô |[ Seb ST hing+kalô ]
:
kondisyong malapit nang mamatay ; ágaw-búhay : GINGGÓLO, HIMBALANGÁY2 var ingaló Cf SINGHÁP, TIKÁB

hi·ngá·ngay

png |[ hing+kangay ]
:
pagbibiro upang maimbitahan, lalo na sa isang kasalan.

hi·nga·ní·ban

png |[ Hil War ]

hi·nga·ón

pnr |[ Seb ]
:
mahilig kumain.

hi·ngáp

png |[ ST ]
:
paghahanap nang may pag-aalalá — pnd hi·nga·pín, mag·hi·ngáp.

hi·nga·pí

png |[ ST hing+api ]
:
pagpanig, gaya ng hukom.

hi·nga·pít

pnd |hu·mi·nga·pít, i·hi·nga·pít |[ ST hing+kapit ]
:
kumubli o magpakalinga sa iba.

hi·nga·pó

png |[ hing+apo ]
:
pagdalaw ng lolo at lola sa kanilang mga apó.

hi·nga·pós

png |[ hing+kapos ]
:
pagsasalita nang halos hindi humihinga.

hí·ngas

png |[ ST ]
:
pagsasalita nang mabilis at hinahabol ang hininga.

hi·ngá·sa

png |[ hing+asa ]
:
paghabol sa kung ano ang inaasam.

hi·ngá·sing

png
:
paghinga sa ilong.

hí·ngat

png |[ Ifu ]
:
hikaw na kabibe.

hi·ngáw

png |[ Bik Hil War ]
:
kawalang pakiramdam matapos malasing.

hi·ngáw

pnr |Med
:
may sinat ; sinisinat.

hi·ngá·was

png |[ hing+awas ]
:
panahong ligtas o sandaling ginhawa sa gitna ng panganib.

hi·ngá·wot

png
:
salita na pasalin-salin.