huli


hu·lí

pnr |[ Mag ST Tau ]
1:
hindi nakaratíng o nakatapos sa oras : AWAHÍ, GÁBAY, IWÍT, LATE, LAWÁT, NALÁDAW, ÓRI, PANÁDYI, TAULÎ, TAWLÍ, ULAHÍ, ÚRHI, URYÁN
2:
pang·hu·lí nása likurán o hindi naabot ang itinakdang oras o panahon : ATRASÁDO, KUTÍT1

hu·lì

pnr

Hu·lî

png |Lit
:
sa El Filibusterismo, palayaw ni Juliana, anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.

hú·li

png
1:
pag·hú·li paraan upang mawalan ng layàng kumilos ang isang tao o bagay : DAKÍP1
2:
tao o bagay na nadakip.

hu·líg·kay

png |[ War ]

hu·li·hán

png
1:
[hulí+han] hulí
2:
[húli+han] laro ng paghúli sa isa’t isa
3:
[húli+han] pook ng mga pagdakip.

hu·li·hán

pnr |[ huli+han ]
:
nása hulí o likod : POSTERIOR

hu·lí·lip

pnr
:
túlad o katúlad, karaniwang may anyong negatibo, “walang-kahulilip” o walang katulad.

hu·lim·bád

png
:
larong pambatà na itinatago ang mga markadong bató upang hanapin.

hu·lim·bá·ngon

png |Bot
:
palumpong (Justicia gendarussa ) na hugis sibat ang dahon at may katas na ginagamit na pampaduwal : BÚNLAW, HÁNDAL-USÁ, KAPÁNITÚLOT2, PARITÚLOT, PULPÚLTÓ2, PÚLI2

hu·lí·nga·ngá

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

hu·líng-bú·hay

png |[ hulí+na-búhay ]
:
katapusan ng búhay : HULÍNG-HININGÁ

hu·líng-gin·tô

png |[ hulí+na-gintô ]
:
ginto na mababà ang uri.

hu·líng-ha·bí·lin

png |[ hulí+na-habílin ]
:
testamento ng isang tao na mamamatay na.

Hu·líng Ha·pú·nan

png |[ hulí+na hápunan ]
:
ang hulíng hapunan ni Jesus kasáma ang kaniyang apostoles bago ang pagdakip, kalbaryo, at pagpapakò sa krus : LAST SUPPER

hu·líng-hi·ni·ngá

png |[ hulí+na-hininga ]
:
hulíng búhay.

hu·líng-ka·bít

png |[ hulí+na-kabit ]
1:
sa larong tungga o tatsing, ang máno kahit hulí sa mga dumikit ang pamato sa guhit manuhan
2:
pinakabago o pinakahulíng asawa ng isang laláki Cf PATIKÍ

Hu·líng Pag·hú·hu·kóm

png |[ huli+na paghuhukom ]
:
sa teolohiyang Kristiyano, ang pangwakas na hatol sa sangkatauhan na inaasahang mangyayari sa katapusan ng mundo : LAST JUDGEMENT, PAGHUHUKÓM2

hu·líng-pa·tì

png |[ hulí+na-patì ]
1:
ang hulíng pagkakataon ng tagapagsalita sa isang debate upang ilaban ang kaniyang panig
2:
talumpati ng pamamaalam.

hú·lip

png |[ Seb Tag ]
1:
Agr bagong tanim o punla, kapalit ng hindi tumubò sa hanay ng pananim
2:
pampalit sa nasiràng atip na pawid o kugon.

hú·lí·pas

png |[ ST ]
:
pagpútol nang pahabâ.