ilang
i·láng
png |[ ST ]
1:
pook na malayo sa kabahayan, malungkot, at walang naninirahan : DESYÉRTO2,
WILDERNESS
2:
Heo
párang1 ; kaparángan
3:
paggipit sa kalaban at katalo Cf LINLÁNG
4:
pagpapakupas ng ginto na may halò, hal sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa maalat na tubig.
í·lang-í·lang
png |Bot |[ Hil Ifu Ilk Kap Pan Seb Tag War ]
1:
punongkahoy (Cananga odorata ) na may mabangong bulaklak at langis : ALANGÍLANG,
ALLANGÍGAN,
ÁLYANGÍGAN,
TÁNGID
2:
bulaklak nitó : ALANGÍLANG,
ALLANGÍGAN,
ÁLYANGÍNAN,
TÁNGID
í·lang-í·lang de-tsí·na
png |Bot
:
palumpong (Artabotrys hexapetalus ) na may gumagapang na sanga, may bulaklak na kayumangging pulá at anim ang talulot, at namumunga.
í·lang-í·lang gú·bat
png |Bot
:
baging (Desmos cochinchinensis ) na may dilaw at mabangong talulot.