inis


i·nís

png pnr
1:
Med kakulangan sa oxygen o labis sa carbon dioxide sa katawan, karaniwang sanhi ng pagtigil sa paghinga at nakapagdudulot ng pagkawala ng malay : APÓS, KALUMÓS Cf ASPIKSIYÁ
2:
pakiramdam na pagkagalit o yamót : ANÍS3, ÁKIG3, CHOKE2, IMBIYÉRNA, KANGÁLAS, KAÓRIT, KAPUNGÓT — pnd i·ni·sín, mang-i·nís.

i·nis·yál

png pnr |[ Esp inicial ]
1:
unang titik o unang mga titik ng mga salita lalo na ng pangalan ng tao : INITIAL
2:
tumutukoy o umiiral sa unahang yugto : INITIAL

i·nís·yas·yón

png |[ Esp iniciación ]
1:
pormal na pagtanggap sa lipunan, samahán, at iba pa : INITIATION
2:
ang seremonya ng pagtanggap : INITIATION

i·nís·ya·tí·ba

png |[ Esp iniciativa ]
1:
kakayahan na masimulan o maipag-patuloy ang gawain : INITIATIVE
2:
unang pasiya o hakbang na walang nagdidikta : INITIATIVE