apos


a·pós

png |Med |[ Bik ]

a·po·sá·pos

png |Med |[ Mrw ]

a·po·sén·to

png |[ Esp ]
:
silid na páupáhan Cf APÁRTMENT

a·po·sis·yón

png |Gra |[ Esp aposicion ]
:
ang ugnayan ng dalawa o mahigit pang salita at parirala na kapuwa tumutukoy sa iisang pangngalan : APPOSITION

a·pós·ta·sí

png |[ Ing apostasy ]

a·pos·ta·sí·ya

png |[ Esp apostasía ]
:
ang pagwawaksi o pagtatakwil ng isang paniwalang panrelihiyon o pampolitika : APÓSTASÍ

aposteriori (a·pós·tir·ór·i)

pnb |[ Lat “mula sa likuran” ]
1:
Bat mula sa partikular na pangyayari túngo sa pangkalahatang prinsipyo o batas ; batay sa aktuwal na obserbasyon o pagkaraan ng isang eksperimento
2:
Pil hindi umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan Cf A PRIORI

a·pos·tól

png |[ Esp ]
1:
sa Ebanghelyo, isa sa labindalawang pangunahing disipulo ni Cristo
2:
unang matagumpay na Kristiyanong misyonero sa isang bansa o sambayanan
3:
pinunò o namumukod tanging personahe, lalo na ng isang kilusan sa reporma
4:
mensahero o kinatawan, a·pos·to·lés kung maramihan.

a·pos·to·lá·do

png |[ Esp ]
1:
awtoridad ng Papa bílang pinunòng apostoliko ; samahán ng mga légong deboto sa misyon ng simbahang Katolika : GAWALAGÁD
2:
posisyon o kapangyarihan ng apostol ; pamumunò ng reporma : GAWALAGÁD

a·pos·tó·li·kó

pnr |[ Esp apostólico ]
1:
tumutukoy sa labindalawang apostol
2:
tumutukoy sa Papa na itinatangi bílang kahalili ni San Pedro.

a·pós·tro·pé

png |[ Esp apóstrofe ]
1:
Lit pagtawag sa isang tao na wala sa tagpo o patáy na ; o ang pagbibigay ng katangiang pantao sa kinakausap na bagay o bahagi ng kalikasan : PANAWÁGAN2
2: