anis


a·nís

png
1:
[ST] inís2
2:
Bot [Esp] yerba (Pimpinella anisum ) na may aromatikong butó : ANISE
3:
Bot [Esp] tawag din sa mababango at maliliit na butó nitó, karaniwang ginagamit na pampabango sa pagkaing niluluto o bílang gamot sa pagpapalabas ng mga bulate sa tiyan : ANISE

a·ni·sá·do

png |[ Esp ]
:
alak na binabaran ng anis.

anise (á·nis)

png |Bot |[ Ing ]

a·nís·lag

png |Bot
:
uri ng matigas na punongkahoy, may maliit at makitid na dahon, at may balát na ginagamit upang magkulay itim ang abaka : TÚGAS1

anisogamy (a·nay·só·ga·mí)

png |Bio |[ Ing ]
:
pagsasáma ng magkakaiba o heterogenous na mga gamete.

anisotropic (á·nay·so·tró·pik)

pnr |[ Ing ]
:
may magkakaibang pisikal na katangian na may magkakaibang direksiyon.