iso
iso- (áy·so)
pnl |[ Ing ]
1:
pambuo ng pangngalan na nangangahulugang igwal o magkapantay, hal isochromatic
2:
Kem
pambuo ng compound na tumutukoy sa isa pang isomeric nitó.
i·sô
png
:
pagtiyak sa pagkakabuhol ng isang bagay.
í·so
png
1:
2:
[Ilk]
makinis na batong panghilod.
isoenzyme (áy·so·én·zaym)
png |Kem |[ Ing ]
:
isa sa dalawa o higit pang mga enzyme na may funsiyong identikal ngunit magkaiba ang estruktura.
isogamy (ay·só·ga·mí)
png |[ Ing ]
:
seksuwal na reproduksiyon sa pamamagitan ng funsiyon ng magkaparehong gametes.
isokinetic (áy·so·ki·né·tik)
pnr |[ Ing ]
:
isinasalarawan o lumilikha ng hindi pabago bagong bilis.
í·sol
pnd |[ Hil ST ]
:
lumayo nang bahagya sa katabi.
isolate (áy·so·léyt)
pnd |[ Ing ]
:
ibukód o ihiwalay ; ilayô.
isolationism (áy·so·ley·syo·ní·sim)
png |Pol |[ Ing ]
:
patakaran ng pag-urong o hindi pakikibahagi sa mga gawain ng ibang mga bansa o pangkat, lalo na sa politika.
i·so·mé·ro
png |[ Esp ]
1:
Kem
isa sa dalawa o higit pang compound na may magkatulad na pormulang molecular ngunit magkaiba ang ayos ng mga atom at magkaiba ang mga katangian : ISOMER
2:
Pis
isa sa dalawa o higit pang nukleong atomiko na may mag-katulad na atomic number at mass number ngunit magkaiba ang estado ng enerhiya : ISOMER
i·so·mé·tri·ká
pnr |[ Esp ]
:
sistema ng pisikal na pag-eehersisyo na nagsasalungatan ang mga kalamnan sa isang nakapirming bagay : ISOMETRICS
isomorph (áy·so·mórf)
png |[ Ing ]
:
isomorpong substance o organismo.
i·so·mor·pís·mo
png |[ Esp isomorfismo ]
1:
kalagayang isomorpo : ISOMORPHISM
2:
Mat
ang isa sa isang relasyon sa mapa ng dalawang set na pinananatili ang mga relasyon na tinataglay ng mga element : ISOMORPHISM
i·so·mór·po
pnr |[ Esp isomorfo ]
1:
eksaktong magkatugon sa relasyon o anyo : ISOMORPHIC
2:
sa kristal, magkatulad ang anyo.
í·son
pnd |mag-í·son, u·mí·son |[ ST ]
:
lumipat sa ibang pook.
i·só·po
png |[ Esp hisopo ]
1:
Bot
isang maliit na halámang aromatiko (Hyssopus officinalis ), na ang mga dahon ay ginagamit na sangkap sa pagluluto at gamot : HYSSOP
2:
isang kasangkapan na ginagamit na pangwisik ng agwa-bendita : HYSSOP
3:
Med
isang piraso ng bulak o tela na absorbent at ginagamit sa paglilinis ng sugat, pagpapahid ng gamot, o pagkuha ng ispesimen : SWAB
isopod (áy·so·pód)
png |Zoo |[ Ing ]
:
crustacean (order Isopoda ) na sapad ang katawan at may pitong pares ng paa : ISOPÓDA
isostasy (ay·sós·ta·sí)
png |Heg |[ Ing ]
:
ekilibriyo na kalagayan ng pang-ibabaw na saray ng mundo, na bumabalanse ang mga puwersang paahon sa mga puwersang pababa.
isotope (áy·so·tówp)
png |Kem |[ Ing ]
:
isa sa dalawa o higit pang mga anyo ng magkatulad na element na may magkatumbas na bílang ng mga proton, ngunit magkakaiba ang bílang ng mga neutron sa mga nukleo, at nangangahulugan na magkaiba ang relatibong atomic mass ngunit hindi ang kemikal na katangian.