kulis
ku·lís
png |Bot
:
maliit na punongkahoy (Memecylon ovatum ) na 8 m ang taas, may dahong biluhabâ, matingkad na bughaw ang bulaklak, at may kulay lilang prutas.
ku·lí·sap
png
1:
Zoo
[Kap Tag]
anu-mang maliit na hayop (class Insecta ) na may anim na paa at karaniwang may isa o dalawang pares na pakpak : ágay ayám,
ápay-ayám,
bigis1,
insect,
insekto,
láyog láyog,
manamáp,
sapát-sapát
ku·lí·saw
png
1:
Zoo
pulutong ng mga isda sa dagat, mga bulate, at iba pa
2:
kulumpon ng mga batà.
ku·lí·si
png |[ Seb ]
:
laro tuwing lamay na pinagpapása-pása ang singsing o barya ng mga manlalarong pabi-lóg ang puwesto o ayos, at huhula-an ng tayâng nása gitna kung sino ang humahawak nitó.