lubi
lu·bí
pnd |i·lu·bí, mag·lu·bí |[ Ilk ]
:
gumawâ ng mga kakanin at puding.
lú·bid
png |[ Bik Kap Hil Tag Tau ]
lu·bi·gán
png
:
laro na nilalampasan ng mga manlalarong batà ang kani-kanilang kalaban upang mapuntahan ang pinakamalayòng pook.
lu·bí-lu·bí
png |Bot
1:
yerbang (Biophytum sensitivum ) walang sanga, maliit ang dilaw na bulaklak na tíla payong, at sumasara ang dahon kapag nakanti o nagalaw : GAMÁ-GAMATÍSAN,
LIFE PLANT,
MAKAHIYÁNG-LALÁKI
2:
punòng palma (Ptychorhapis intermedia ) na karaniwang 12 m ang taas at 3 m ang habà ng dahon.
lú·bi·lú·bi
png
1:
Bot
[Hil]
damong-bingkalat
2:
[Seb]
tao na nangingiming sumagot, karaniwan sa panliligaw.