lunga
lú·ngad
png
1:
pagluwâ o pagsúka ng sanggol sa sinúsong gatas
2:
ang gatas na iniluwâ var lúngad
lu·ngál
pnr |[ ST ]
:
isinílang na patay.
lu·ngás
pnr
:
bahagyang nasirà ; pingás gaya ng ngiping nabungi.
lu·ngáw
png
1:
hukay sa lupa na malaki at malalim at ginagamit na imbakan ng mga bunga, tapunan ng sukal, at iba pa
2:
kahoy na inuka ang katawan at inilaan sa pag-aasin ng isda o kainan ng malaking hayop.
lu·nga·wán
png |[ ST ]
:
ang puwang na dinudungawan sa bintana.
lu·ngáy
pnr
:
layláy, nakalaylay.
lu·nga·yî
pnr
:
nakayuko o nakatungó, karaniwan kapag namimighati o nalulungkot.
lu·ngá·yi
png |[ ST ]
1:
paghihilig ng ulo sa unan, o sa ibang bahaging mas mababà, upang magpahinga
2:
paghuhugas ng ulo sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa tubig, at ang mukha ay nása itaas
3:
paglungayngay nang ang mukha ay nása itaas.
lu·ngay·ngáy
pnr |[ Hil Seb Tag ]
:
nakabagsak ang ulo nang patalikod ; nakakiling ang katawan sa likuran dahil sa kawalan ng lakas.