luyo
lu·yó
pnd |i·lu·yó, lu·mu·yó, man·lu· yó |[ ST ]
:
mang-akit sa pamamagitan ng mga salita ukol sa mga bagay na masasamâ.
lú·yok
png
1:
[ ST]
piraso ng behuko na dinudurog ang dulo at ginagamit na panlinis ng sisidlan ng tuba
2:
[Ilk]
pabalantok o paarkong kurba ng anumang bagay gaya ng nakalaylay na sanga.
lú·yong
png |Bot
1:
uri ng eboni (genus Diospyros )
2:
uri ng punòng palma (family Palmae ) na ginagamit sa paggawâ ng palaso ng pana.