mag-asawa


mag-a·sá·wa

pnd |[ mag+asawa ]
:
pormal na humarap ang isang laláki at isang babae sa isang legal na seremonya upang maging asawa ang isa’t isa : MAKIPAG-ISÁNG DIBDIB, MAGPAKÁSAL, MARRY, WED

mag-a·sá·wa

png |[ mag+asawa ]
:
babae at laláking legal na pinagbuklod sa kasal : COUPLE1, AG-ASÁWA, MAG-AGÓM, MAGTIÁYON, SANASAWÁ

mag-a·sá·wang á·lon

png |[ mag+asawa +na alon ]
:
álong magkasunod at may higit na lapit sa isa’t isa kaysa iba.

mag-a·sá·wang ká·hoy

png |Bot |[ mag+asawa+na kahoy ]
:
dalawang kahoy na iisa ang uri ngunit magkaiba ang kulay o kayâ’y magkadikit nang tumubò.