malay


ma·láy

pnr
2:
may málay o kamalayan sa paligid at nagaganap.

Ma·láy

png
1:
Ant tao na naninirahan sa Malaysia, Brunei, at bahagi ng Indonesia ; o tao na nagmula sa lahing ito : MALÁYO
2:
Lgw ang wika ng mga Malay : MALÁYO


ma·la·yà

pnr |[ ma+layà ]
:
hindi alipin o wala sa kontrol ninuman : AWTÓNOMÓ1, FREE1, LIBERTINE, LÍBRE2

Ma·lá·ya

png |Heg
:
dáting bansa sa timog-silangang Asia, binubuo ng katimugang bahagi ng Malay Peninsula at ilang kalapit na pulo, at bumubuo sa kasalukuyan ng kanlurang bahagi ng pederasyon ng Malaysia at kilála bílang West Malaysia.

ma·lá·yang ta·lud·tú·ran

png |Lit |[ ma+laya+na+taludtod+an ]
:
tulâ na walang tugmâ at sukat : BERSO LIBRE, FREE VERSE, VERS LIBRE

ma·lá·yan·tók

png |Bot |[ ST mala+ yantok ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.

Ma·láy·ba·láy

png |Heg
:
kabesera ng Bukidnón.

malay gooseberry (má·lay gus·bé·ri)

png |Bot |[ Ing ]

ma·lay·máy

pnr |[ Bik ]
:
mahinà ang katawan na tíla may sakít.

ma·lay·ná·las

pnr |[ ST ]

ma·la·yò

pnr |[ ma+layo ]
1:
malakí ang pagitan sa isa’t isa : DIBABÁW, DISTANT1, FAR, HARAYÔ, LONG3, WIDE4
2:
nása isang pook o panahon na hindi na halos makíta o maalala : DIBABÁW, DISTANT1, FAR, HARAYÔ, REMOTE2, WIDE4
3:
hindi gaanong kahawig o kamag-anak : DIBABÁW, DISTANT1, FAR, HARAYÔ

Ma·lá·yo

png |Ant Lgw |[ Esp ]
:
Mal áy.

Malaysia (ma·léy·sya)

png |Heg
:
isang bansa sa timog-silangang Asia na binubuo ng 13 estado at 3 teritoryong pederal.

má·lay-tá·o

png
:
málay o kamalayán.