manga
ma·ngá-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang kilos o pangyayari, hal mangabasag, mangahulog, mangamatay Cf NANGÁ-
ma·ngág-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng anyong palansak ng pandiwang mag-, hal mangag-aral, mangagdaos Cf NANGÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudug-tungan ng hulaping -an o -han, at nakatuon sa maramihang tagaganap, hal mangagtakbuhan, mangag-labasan Cf NANGÁG-
ma·ngág·ka-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagkakaroon o ng maaaring maganap, hal mangagkabahay, mangagkaniyog Cf NANGÁGKA-
2:
pambuo ng pandiwa, dinurugtungan ng hulaping –an, at nagsasaad ng maramihang aksiyon, hal mangagkaabutan, mangagkabigayan, mangagkawalaan Cf NANGÁGKA-
ma·ngág·ka·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang tagaganap at aksiyon, at inuulit ang salitâng-ugat upang ipakíta ang maaaring maganap o ang magaganap sa hinaharap, hal mangagkakalayô, mangagkakalayô-layô Cf NANGÁGKAKÁ-
ma·ngág·pa-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at matinding diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpatayô, mangagpaluntî Cf NANGÁGPA-
ma·ngág·pa·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at sukdulang diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpakasamâ, mangagpakabuti Cf NANGÁGPAKÁ-
ma·ngág·si-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang aksiyong palansak, hal mangagsialis, mangagsibalik, mangagsidalo Cf NANGÁGSI-
ma·ngág·si·pág-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipag-aral, mangagsipagbayad Cf NANGÁGSIPÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinurugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng higit na masidhi at maramihang aksiyong palansak, hal mangagsipag-alisan, mangagsipagtakbuhan Cf NANGÁGSIPÁG-
ma·ngág·si·pág·pa-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipagpatihulog, mangagsipagpatiwakal Cf NANGÁGSIPÁGPA-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng maramihang tagaganap at ng higit na masidhing aksiyong palansak, hal mangagsipagpapatayan, mangagsipagpapakulahan Cf NANGÁGSIPÁGPA-
ma·ngág·si·pág·pa·ká-
pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyon hinggil sa hinaharap, hal mangagsipagpakabuti, mangagsipagkasamò Cf NANGÁGSIPÁGPAKÁ-
ma·ngál
png |[ ST ]
:
simangot na may kasámang galit.
Ma·ngá·li-lú·bo
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalinga.
manganese (máng·ga·nís)
png |Kem |[ Ing ]
:
matigas at abuhing metalikong element (atomic number 25, symbol Mn ) : MANGGANÉSO
ma·nga·ngá·kar
png |[ ST ]
:
manghuhúli ng ibon.
má·nga·nga·la·kál
png |Kom |[ mang+ ka+kalakal ]
:
ma·nga·ngá·tag
png |[ ST ]
:
pinagkakatiwalaang tagasunod o tauhan.
ma·nga·ngá·yaw
png |[ ST ]
:
tao na manghaharang sa mga manlalakbay.
ma·nga·ní·no
png |[ mang+anino ]
:
masungyaw sa harap ng inaakalang malakí o makapangyarihan.
mang-ay·tu·wéng
png |Lit Mus |[ Bon ]
:
awit ng mga magsasaká hábang naglalakbay patungo o paalis sa bukirin.