mart
mar·ta·bá·na
png |[ Ilk ]
:
malaking banga.
már·ta·gón
png |Bot
:
lily (Lilium martagon ) na may bulaklak na maliliit, bughaw, at hugis turban.
már·ten
png |Zoo |[ Ing ]
:
hayop na mukhang dagâ (genus Martes ) na nakatira sa mga puno at binibitag dahil sa mabalahibong balat : GARDÚNYA
Martha (már·ta)
png |[ Ing ]
:
sa Bagong Tipan, ang kapatid na babae nina Lazarus at Maria at kaibigan ni Kris-to : MARTA
martial arts (már·syal arts)
png |[ Ing ]
:
alinman sa tradisyonal na anyo ng self-defense o pagtatanggol sa sarili o kombat na nagmula sa Asia na gumagamit ng pisikal na kakayahan at koordinasyon, hal karate, aikido, judo, at katulad; karaniwang isinasagawâ bílang isport.
mar·tíl·yo
png |Kar |[ Esp martillo ]
:
kasangkapang ipinampupukpok o ipinambubunot ng pakò : BINALALÁK,
HAMMER,
MARTILLO2,
MARTINÉTE1,
PALÒNG-BÁKAL,
PATÚK1,
PÓPOK,
SÁTOK
mar·tí·nes
png |Zoo |[ Esp martinez ]
1:
ibong (family Sturnidae ) itim ang balahibo at may kakayahang makapagsalitâ, may uri ding kulay kastanyas ang balahibo (Sturnus philippensis ) at may uring abuhin, putî, at itim ang balahibo (Sturnus cineraceus ) : STARLING
2:
uri ng myna (Acridotheres cristatellus ), karaniwan ang lakí, itim ang balahibo, dilaw ang tukâ, may mga nakausling balahibo sa pangharap na ulo, may kakayahang manggaya ng mga tunog at sinasabing ipinasok sa Filipinas noong 1850.
mar·tí·ni
png |[ Ita ]
1:
uri ng vermouth
2:
cocktail na gawâ mula sa gin at vermouth.
mar·tír·yo
png |[ Esp martirio ]
1:
ang kalagayan, pagdurusa, at kamatayan ng isang martir : MARTYRDOM
2:
matinding pagdurusa : MARTYRDOM
mar·tír·yo·lo·hí·ya
png |[ Esp martiriología ]
1:
sangay ng kaalaman na tumatalakay sa búhay ng mga martir
2:
mga talâ o kasaysayan ng mga martir
3:
pinagsáma-sámang mga kasaysayan nitó
4:
listahan ng mga martir.
már·tsa
png |[ Esp marcha ]
1:
2:
lakad na mahabà at mahirap : MARCH
3:
prusisyon bílang protesta o demostrasyon : MARCH
4:
progreso o tuloy-tuloy na pangyayari : MARCH
5:
mar·tsán·te
png |[ Esp marchante ]
:
ruta na gabay sa mga banda at musiko kapag may parada o martsa.