naka-


na·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng maka-, hal nakabása, nakasulat
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng maka-, at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal nakababása, nakasusulat : MAKA-

Na·ka·bí·ting Há·la·ma·nán

png |Heg |[ naka+bitin+na+haláman+an ]
:
mga ornamental na halámanang itinanim sa terasa ng mga ziggurat ng sinaunang Babylon : HANGING GARDENS OF BABYLON

na·ka·ha·há·wa

pnr |[ naka+ha+háwa ]
1:
Med nakapagkakalat ng sakít : CONTAGIOUS
2:
nakapaglilipat ng kulay o katangian sa iba Cf IMPLUWENSIYA

na·ka·lí·pas

pnr |[ naka+lípas ]

na·ka·pag-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng makapag-, hal nakapághúgas, nakapágbalíta
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapag- at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal nakapághuhúgas, nakapágbabalíta
3:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapag- at inuulit ang -ka- ng panlapi, hal nakakapaghugas.

na·ka·pag·pa-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng makapag-pa-, hal nakapagpahinga
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapagpa- at inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal nakapagpapahinga
3:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapagpa- at inuulit ang pantig na -ka- ng panlapi, hal nakakapágpákasása.

na·ka·pag·pa·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng maka-pagpaka-, hal nakapágpakagalíng, nakapágpakabaít
2:
pambuo ng pan-diwang pangnagdaan pangkasaluku-yan ng makapagpaka- at inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal naka-págpápakagalíng, nakapágpápakabaít
3:
pambuo ng pandiwang pangnag-daan pangkasalukuyan ng makapag-paka- at inuulit ang unang -ka- ng panlapi, hal nakakapagpakagaling, nakakapagpakabait.

ná·kar

png |[ Esp nacar ]
:
matigas at makislap na substance na bumubuo sa panloob na bahagi ng kabibe, ginagamit sa paggawâ ng butones at borlas : BÍNGGA, LÁDYAW, MOTHER OF PEARL Cf PÉRLAS

na·ka·ra·án

pnr |[ naka+daan ]
1:
nawala nang yugto o panahong wala na : LAMPÓS, NAKALÍPAS, PAST1, PREVIOUS
2:
naganap bago ang panahon ng pagkasulat o pagsasalita : LAMPÓS, NAKALÍPAS, PAST1, PREVIOUS

na·ka·ti·pák

pnr |[ naka+tipák ]
1:
biglang nanalo ng malakíng halaga

ná·kaw

png
1:
bagay na kinuha nang walang pahintulot : BALANYÂ, HÂ-BON, KÁWAT1, KINÁWAT, NÁKO, TAKÉW
2:
pag·na·ná·kaw pagkuha ng gamit nang walang pahintulot : ROB1 Cf DÚKOT, ÚMIT
3:
pag·na·ná·kaw kilos o gawaing lihim — pnd mag·ná·kaw, na·ká·wan, na·ká·win.

na·ka·wán

png |[ nakaw+an ]