rob
robe (rowb)
png |[ Ing ]
1:
báta de-bányo
2:
panlabas na kasuotan na mahabà at maluwang, karaniwang isinusuot bílang damit panseremonya, opisyal na kasuotan, o katulad
3:
anumang mahabà at maluwang na kasuotan, lalo na iyong isinusuot sa bahay lámang
4:
piraso ng tela, lana, o katulad na ginagamit bílang balabal, kumot, at katulad.
ró·bin
png |Zoo |[ Ing ]
1:
ibon (Erithacus rubecula ) na maliit, kulay brown, may puláng lalamunan at dibdib, at matatagpuan sa Europa
2:
anumang ibon na kahawig nitó
3:
ibon (Turdus migratorius ) na pulá ang dibdib.
ró·bot
png |[ Cze ]
1:
mákiná na kahawig ng tao na may kakayahang magsakatuparan ng mekanikal at pangkaniwang gawain kapag inutusang gumawâ ng mga ito
2:
mákináng may kakayahang magsagawâ nang awtomatiko ng komplikadong serye ng mga kilos
3:
tao na tíla robot kung kumilos.
robotics (ro·bó·tiks)
png |[ Ing ]
:
pag-aaral sa mga robot ; sining o agham ng pagdisenyo, pagbuo, paggamit, at pagpapagalaw ng mga robot.
ro·bús·ta
png |Bot |[ Lat ]
1:
halámang kape (Coffea canephora, dáting robusta ) na kabílang sa species na mula sa Africa
2:
kape o butil na mula rito.