new
new age (nyu eyds)
png |[ Ing ]
:
kilusan na mayroong alternatibong pananaw sa tradisyonal na kanluraning kultura at may interes sa mga espiritwal, kataka-taka, banal na idea, at anumang may kinaláman sa kalikasan.
newcastle disease (nyu·ká·sel di·sís)
png |Med |[ Ing ]
:
malubhang lagnat dulot ng virus at nakaaapekto sa mga ibon at manok.
New Criticism (nyu krí·ti·sí·zem)
png |Lit |[ Ing ]
:
kilusan sa panunuring pampanitikan sa United States at Great Britain na nagtatampok sa kahalagahan ng teksto kaysa konteksto, at itinuturing ang pagsasarili ng akda na bukod sa talambuhay ng may-akda o kasaysayang panlipunan.
newly industrialized country (nyú·li in·dás·tri·ya·láyzd kán·tri)
png |Pol |[ Ing ]
:
bansang nása antas ng industriyalisasyon na ipinakikíta ng mabilis na paglawak ng industriya at mabilis na pag-unlad ng ekonomiya Cf NIC
newsboy (nyús·boy)
png |[ Ing ]
:
batàng nagtitinda at naghahatid ng diyaryo.
newsbrief (nyús·brif)
png |[ Ing ]
:
maikling balita sa telebisyon, radyo, at diyaryo.
newscast (nyús·kast)
png |[ Ing ]
:
pag-hahatid ng balita sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.
newscaster (nyus·kás·ter)
png |[ Ing ]
:
tagahatid ng balita sa pamamagitan ng radyo at telebisyon : NEWSREADER
newsflash (nyús·flash)
png |[ Ing ]
:
maikli at mabilisang pagbabalita.
newsletter (nyus·lé·ter)
png |[ Ing ]
:
maliit na peryodiko, karaniwang ilang pahina lámang, at naglalamán ng balita ng isang organisasyon o institusyon.
newsprint (nyús·print)
png |[ Ing ]
:
mababàng uri ng papel na karaniwang ginagamit sa paglalathala ng peryodiko.
newsreel (nyús·ril)
png |[ Ing ]
:
maikling pagsasapelikula ng mga balita.
newt (nyut)
png |[ Ing ]
:
maliit na amphibian sa (family Salamandridae ) na pantubig at may buntot na ganap ang habà.
New Testament (nyu tés·ta·mént)
png |[ Ing ]
:
Bágong Tipán.
newton (nyú·ton)
png |Pis |[ Ing ]
:
SI na yunit ng puwersa (symbol N2 ).
new wave (nyu weyv)
png |Mus |[ Ing ]
:
estilo ng musikang rock na naging tanyag noong mga hulíng bahagi ng dekada 1970, nagmula sa punk ngunit higit na sopistikado ang tunog at hindi gaanong agresibo ang pagtatanghal.
New Year (nyu yir)
png |[ Ing ]
:
Bágong Taón.