nir
NIR (en ay ar)
daglat
:
Negros Island Region.
ní·rat
png |Lit |[ Thai ]
:
tulang nagsasaad ng paglayô ng makata sa kaniyang mahal upang maglakbay at nagsasalaysay ng magagandang tanawing dinaanan.
ñire (nyí·re)
png |Bot
:
punongkahoy na tumataas nang 20 m at marami sa Chile.
nir·vá·na
png |[ San ]
:
sa Budismo, ang pinakamaluwalhating kalagayan na walang paghihirap, lunggati, o pagkakilála sa sarili.