nito


ni·tó

pnh
:
panghalip na pamatlig sa kaukulang paari na tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring nagtataglay ng anumang katangiang ipinahahayag ng nagsasalita na malapit sa kaniya : NINÍ, THEREOF

ni·tò

png |Bot
1:
[Bik Hil Seb Tag War] baging na payat at ilahas, karaniwang ginagawâng sombrero at basket
2:
[Hil Seb Tag] uri ng pakô (Ligodium circinnatum ).

ní·to

png |Zoo |[ Ilk ]

ni·tòng-ha·pón

png |Bot |[ nito+na+Hapon ]
:
uri ng pakô (Lygodium japonicum ) na may dahong tíla tigib sa kaliskis.

ni·tòng-pu·lá

png |Bot |[ nito+na+pula ]
:
payat at nakaiikid na haláman na ginagamit na pampadahak o pampadura.

ni·tòng-pu·tî

png |Bot |[ nito+na+puti ]
1:
uri ng pakô (Lygodium circinnatum ) na mabalahibo at karaniwang itinatanim sa mga hardin
2:
uri ng pakô (Lygodium flexousum ) na may maikli at gumagapang na mga risoma at halos dikit-dikit ang mga dahon.

ni·tò-ni·tò·an

png |Bot |[ nito-nito+an ]
:
uri ng pakô na itinuturing na halámang medisinal at iginagamot sa sakít sa balát.