oto
ó·tok
pnd |i·ó·tok, ma·ó·tok, o·tú·kin |[ War ]
:
pigilin ang paghinga.
otolaryngology (o·to·la·rin·dyó·lo· dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
sangay ng medisina hinggil sa pag-aaral ng anatomiya, funsiyon, at mga sakít sa tainga, ilong, at lalamunan.
otolith (ó·to·lít)
png |[ Ing ]
:
maapog na pamumuo sa loob ng tainga ng mga vertebrate.
o·tor·gá
png |[ Esp otorgar ]
:
pagsang-ayon o pagtanggap na managot sa pamamahala ; pangangasiwa o pag-aalaga sa sinuman o anuman.
ót-ot
png
:
pagsipsip sa anumang bagay upang malibang, karaniwang ginagawâ ng mga sanggol.