pagal
pá·gal
png |[ Bik Kap ST War ]
1:
panghihina dahil sa págod
2:
sákit1 o pagpapakasákit — pnr pa·gál.
pa·ga·là
pnr |[ pa+gala ]
:
palaboy, karaniwang tumutukoy sa hayop.
pa·ga·là-ga·là
pnr |[ pa+galà+galà ]
:
naglilibot sa iba’t ibang lugar.
pa·ga·la·ín
png |Zoo |[ ST ]
:
tandang na kakulay ng pagalà.
pag-a·lá·la
png |[ pag+alála ]
:
kilos para ibalik ang alála.
pa·gá·lap
png |[ pa+gálap ]
:
tulong o saklolo na hiningi o naidulot.
pá·ga·lí·ngan
png |[ pa+galíng+an ]
:
paligsahan sa kakayahang gawin ang isang bagay.
pa·ga·li·ngín
pnd |[ pa+galíng+in ]
:
gumawâ ng paraan para mawala ang karamdaman ng isang tao o hayop.
pág-a·lin·la·ngá·nan
pnd |[ pag+alinlangan+an ]
:
maging tuon ng alinlangan.
pa·ga·lí·tan
pnd |[ pa+gálit+an ]
:
sabihin ang sanhi ng galit sa isang tao.
pa·gal·pál
png |[ ST ]
1:
pagbabará ng bibig ng ilog dahil sa tambak ng mga dahon
2:
tunog ng binabayong palay o hampas ng latigo.