pipit
pi·pít
png |Zoo
1:
alinman sa ibong maliit (family Syliidae ), kumakain ng kulisap at karaniwang may huning matinis at pabago-bago ng nota : WARBLER
2:
maliit na ibon (family Nectariniidae ), makulay ang balahi-bo, may mahabàng kumukurbang tuka na ginagamit sa pagkuha ng nektar : SUNBIRD
pi·pít-ba·káw
png |Zoo
:
uri ng maliit na pipit (Gerygone sulphurea ) na makikíta saanmang dako ng Filipinas at may nangingibabaw na kulay maputlang dilaw.
pi·pít-gú·bat
png |Zoo
:
ibong kauri ng pipit2 (Aethopyga flagrans ), kapansin-pansin sa mapuláng-mapuláng bala-hibo sa pagitan ng lalamunan at dibdib.
pi·pít-kú·gon
png |Zoo
:
maliit na uri ng pipit1 (Cisticola exilis semirufa ) na kayumanggi ang likod na may mga guhit na itim at maaaring kalawa-nging pulá o mapusyaw na dilaw ang tiyan : PIRÓT Cf TIKTÍKRÓBONG
pi·pít-ma·na·na·hì
png |Zoo |[ pipit-mang+ta+tahi ]
:
ibon (Orthotomus cucullatus derbianus ), mahabà at nakatayô ang buntot, at mahabà ang pakpak at tuka : DÍDIT,
TAILORBIRD
pi·pít-ma·yá·man
png |Zoo |[ pipít-ma+yáman ]
:
ibong kauri ng pipít2 (Nectarinia Sperata ), morado ang gawing lalamunan at leeg ngunit may mga kulay na lungtian, dalandan, at pulá sa iba’t ibang bahagi ng kata-wan : SIYÉTE KOLÓRES2,
TAMSÍ-NGA-PULÁ
pi·pít-mó·tas
png |Zoo
:
maliit na ibon (family Paridae, Parus amabilis ), dilaw ang katawan, may mga bátik na putî, abuhin, at itim ang buntot, at maitim na maitim ang buong ulo at leeg : BORIRINGÓN,
PALAWAN TIT
pi·pít-pu·sò
png |Zoo
1:
ibong kauri ng pipit2 (Nectarinia jugularis ) na may kulay olibang balahibo sa itaas na bahagi ng katawan at kulay dilaw sa iba pang bahagi ng katawan, karaniwang makikíta sa niyugan, bakawan, at halamanan : PIPÍT-PÁRANG,
TAMSÍ
2:
pinakamaliit na pipit2 sa Filipinas (Aethopyga shelleyi ), maikli ang nakakurbang tukâ, dilawan ang katawan, ngunit may mga bahaging pulá o bughaw.
pi·pit·sú·gin
pnr
1:
mahinàng uri
2:
madalîng málamangán.