plak


plak

png |[ Ing plaque ]

plá·ka

png |[ Esp placa ]
1:
disk na manipis, gawâ sa plastik, at may gilit-gilit na bilóg sa magkabilâng rabaw na pinagkintalan ng tunog na maaa-ring patugtugin sa pamamagitan ng ponograpo : RÉKORD3
2:
sa pagkuha ng larawan, x-ray, o karaniwang kamera, ang itim at nanganganinag na kinakikintalan ng larawan
3:
ang ikinakabit sa mga sasakyan na kinatatalaan ng bílang o numero : PLATE6

plá·kard

png |[ Ing placard ]
:
inilimbag o isinulat na pahayag, maaaring nakapaskil o ipinakikita sa publiko ng isa o mahigit pang katao : LETRERO, PLACARD

plak·dâ

png |Kol
:
pagbagsak nang lápat na lápat sa sahig o pagsalpok nang dikít na dikít sa pader.

pla·ké

png |[ Esp plaque ]
1:
manipis at sapad na metal, kahoy, o porselana, na karaniwang isinasabit sa dingding bílang palamuti : PLAK, PLAQUE1
2:
tíla plate na brotsa o palamuti, lalo ang isinusuot bílang sagisag na pan-dangal : PLAK, PLAQUE2

plá·ket

png |[ Ing placket ]
:
bukás na bahagi sa tagiliran, likod, o harapan ng damit, pinaglalagyan ng zipper, awtomatiko, at katulad upang maginhawang maisuot o mahubad : BITAS4

plak·tu·was·yón

png |[ Esp fluctua-cion ]
:
pabago-bagong pagtaas at pag-babâ sa bílang o antas : FLACTUATION