radyo
rád·yo
png |[ Esp radio ]
1:
transmisyon at pagtanggap ng mensaheng tunog at katulad sa pamamagitan ng elektromagnetikong alon ng dalasang radyo nang walang nakakonektang kawad
2:
aparatong ginagamit sa pagtanggap, pagbrodkast, o pagpapadala ng senyas na panradyo ; ang mensaheng ipinadala o natanggap sa pamamagitan nitó : RADIO
3:
estasyon ng radyo.
rád·yo-
pnl |[ Esp radio ]
1:
nagpapahiwatig ng radyo o brodkasting, hal radyotelepono
2:
kaugnay ng radyo-aktibidad, hal radyogram.
rád·yo·ak·ti·bi·dád
png |Kem Pis |[ Esp radioactividad ]
1:
kusang pagkawasak ng mga nukleo ng atom sa isang element at nagbubunga ng tumatagos na radyasyon o partikulo : RADIOACTIVITY
2:
radyoaktibong substance o radyasyong inilalabas ng mga ito : RADIOACTIVITY
rád·yo·ak·tí·bo
pnr |Kem Pis |[ Esp radioactivo ]
:
hinggil sa o nagpapamalas ng radyoaktibidad : RADIOACTIVE
rád·yo bród·kast
png |[ Esp radio Ing broadcast ]
1:
brodkast sa radyo
2:
pagbrodkast sa pamamagitan ng radyo.
rád·yo·grám
png |[ Ing radiogram ]
1:
mensaheng ipinadala sa pamamagitan ng radiotelegraphy : RADIOGRAM
2:
4:
pinagsámang radyo at record player
5:
retratong kinuha sa pamamagitan ng x-ray, gamma ray, o katulad : RADIOGRAPH2,
RADIOGRAM
rad·yo·lo·hí·ya
png |[ Esp radiología ]
1:
agham hinggil sa mga x-ray o katulad na ray na mula sa radyoaktibong substance, lalo na ang paggamit sa mga ito sa medisina : RADIOLOGY
2:
pagsusuri o pagkuha ng retrato ng organ, buto, at katulad sa pamamagitan ng mga ray : RADIOLOGY
3:
inter-pretasyon ng mga retratong x-ray : RADIOLOGY
rad·yo·pón
png |[ Esp radio+Ing phone ]
2:
anumang kasangkapang lumilikha ng tunog sa pamamagitan ng enerhiya dulot ng ray : RADIOPHONE
rad·yos·kóp·yo
png |[ Esp radioscopio ]
:
pagsusuri ng mga bagay na hindi tinatagusan ng liwanag sa pamamagitan ng mga x-ray at katulad : RADIOSCOPY
rád·yo·te·lé·po·nó
png |[ Esp radio-telefono ]
:
teleponong dinadaluyan ng tunog o pananalita sa pamamagitan ng along-radyo sa halip na sa pamamagitan ng mga kable o kawad : RADIOTELEPHONE,
RADYOPÓN1