ram
ra·má
png |[ Ilk ]
1:
Psd patibong para sa isda, alimango, o hipon ; yarì sa mga tuyông sangang pinagdikit at inilalagay sa malalim na bahagi ng ilog
2:
kawayan o punò na ibinabakod sa kama ng lupang punlaan at iba pa : REMMÉNG
ra·má·da
png |[ Esp Ilk ]
:
pansamantalang silungan o kubol na pinagdarausan ng pagdiriwang.
Ra·ma·dán
png |[ Esp Ara ]
:
ikasiyam na buwan sa kalendaryo ng mga Muslim at sa panahong ito, mahigpit na ipinatutupad ang pag-aayuno mulang pagsikat ng araw hanggang paglubog nitó.
ramaje (ra·má·he)
png |[ Esp ]
1:
disenyo sa tela na may mga sangang mabulaklak
2:
sinag ng liwanag na nagmumula sa ulo ni Cristo na nakapako sa krus.
ra·ma-ra·ma·yán
png |Zoo
:
uri ng gagamba (family Arachnidae ) na matatagpuan sa mga punongkahoy.
Ra·ma·yá·na
|[ San ]
:
isa sa matandang epiko ng India, nagsasalaysay sa búhay at pakikipagsapalaran ni Rama, at nagsisiwalat ng mga huwarang ugali ng tao Cf MAHABHARÁTA
ram·búng
png |Bot |[ Bik ]
:
usbóng1 ; síbol1
ram·bu·tán
png |Bot |[ Mal ]
1:
punongkahoy (Nepheleum lappaceum ) na laging-lungti, mayabong, mababà, at may bungang biluhaba, pulá, at may makapal at mabalahibong balát
2:
tawag sa bunga nitó.
rá·men
png |[ Jap ]
:
pansit na madalîng lutuin at karaniwang inihahaing may kasámang sabaw at gulay.
ra·mil·yé·te
png |[ Esp ramillete ]
:
pumpon ng mga bulaklak.
ra·mi·nád
png |Bot
:
uri ng palay.
rám·pa
png |[ Esp ]
1:
nakahilig na rabaw na nagdurugtong sa dalawang level : RAMP
2:
hagdanan na naililipat at ginagamit sa pagpasok o paglabas sa eroplano
3:
papataas na kurba sa barandilya ng hagdanan
4:
anumang nakahilig na daanan o landas : RAMP