• u•gát

    png | [ Bik Hil Seb Tag Tau ]
    1:
    bahagi ng katawan ng haláman na karaniwang tumutubò pailalim sa lupa at sumisipsip ng sustansiya at tubig
    2:
    anumang katulad nitó
    3:
    pinanggalingan o ang sanhi ng pinanggalingan ng isang bagay
    4:
    ang pangunahing sangkap o kalikásan ng isang bagay
    5:
    pinagmulang pamilya, lahi, o kultura lalo na bílang dahilan para sa malalim na ugnayan sa isang pook o komunidad
    6:
    alinman sa mga túbo na bahagi ng sistema sa pagdaloy ng dugo sa katawan