rum
rum (ram)
png |[ Ing ]
1:
inuming alkoholiko na mula sa katas ng pulút o tubó
2:
nakalalasing na inumin.
rúm·ba
png |Say |[ Ing ]
1:
sayaw na may masalimuot na ritmo at pinasimulan ng mga Itim sa Cuba
2:
adaptasyon o imitasyon ng ganitong sayaw sa Estados Unidos
3:
sayaw sa ballroom na kahawig nitó ; O ang musika para dito.
rumble (rám·bol)
pnd |[ Ing ]
1:
gumawâ nang walang patid, malalim, at umaalingawngaw na tunog, gaya sa kulog
2:
sa tao o sasakyan, gumalaw nang may gayong tunog
3:
sabihin o bigkasin nang may gayong tunog.
rúm·bo
png |[ Esp ]
:
direksiyon ng patutunguhan.
rumen (rú·min)
png |Zoo |[ Ing ]
:
unang tiyan ng ruminant at katabi ng reticulum.
rú·mi·nánt
png |Zoo |[ Ing ]
:
mammal (suborder Ruminantia ) na ngumunguya ng cud, at may apat na paa, hal báka, usá, kamelyo, giraffe, at katulad.
rummage (rá·meydz)
pnd |[ Ing ]
1:
maghalungkat, lalo na sa magulo at hindi sistematikong pook
2:
maghalughog o hanapin sa tambak ng mga bagay
3:
guluhin hábang naghahanap ng isang bagay.
rummy (rá·mi)
png |[ Ing ]
:
laro na karaniwang gumagamit ng dalawang manghal ng baraha at ang mga manlalaro ay bumubuo ng mga set ng magkakasunod na baraha.
rú·mor
png |[ Ing ]
1:
salaysay o pahayag na umiikot na walang kumpirmasyon o katiyakan kung totoo
2:
rú·mor móng·ger
png |[ Ing rumor monger ]
:
tagapagkalat ng rumor.
Rúm·yad
png |Lgw
:
isa sa mga wika ng mga Ilongot.