sabi
sabicu (sa·bí·ku)
png |[ Ing ]
1:
Bot
matigas na punongkahoy (Lysiloma latisiliquum ) sa kanlurang India na inaalagaan dahil sa tabla
2:
tabla mula sa punòng ito.
sa·bík
pnr |[ Iba Kap Tag ]
1:
may masidhing paghahangad na kamtin o danasin ang isang bagay, karanasan, o kaisipan : ALIP-ÍP,
EAGER,
HÍDLAW,
HÚDOP,
ÍNAM2,
KATETERÁNGAN,
MAHINÁNGPON,
MAÍGOT,
NAGÁGAR
2:
matinding paghahangad na makíta o makaulayaw ang isang matagal nang hindi nakakasáma : ALIP-ÍP,
EAGER,
HÍDLAW,
HÚDOP,
ÍNAM2,
KATETERÁNGAN,
MAHINÁNGPON,
MAÍGOT,
NAGÁGAR
sá·bi·lá
png |Bot
:
halámang ornamental at medisinal (Aloe barbadensis ), tumataas nang 30-40 sm, dilaw ang bulaklak, at naipanggugugo ang katas, katutubò sa rehiyong Mediteraneo at kamakailan lámang ipinakilála sa Filipinas : ALOE1,
DILÁMBUWÁYA,
DILÀNG-HÁLO
sa·bí·law
png |Bot
:
makatas, gumagapang, at malambot na palumpong (Cyanotis axillaris ) : KULÁSIN-MARINTÉK
sá·bing
png |Psd |[ Ilk ]
:
patibong para sa isda gawâ sa sulihiyang kawayan, inilalagay nang patayô sa ilog, at may maliit na bukás na daanan.
Sabin vaccine (sá·bin vák·sin)
png |Med |[ Ing ]
:
bakuna para sa poliomyelitis.
sa·bír
png |[ ST ]
1:
paghila sa isang bagay
2:
pagsusuot ng alahas sa leeg.
sa·bí-sa·bí
png
:
balita o istorya na hindi alam ang pinagsimulan at malimit na mali : GRAPEVINE3,
TIBADBÁD
sá·bi-sá·bi
png
:
kaalamang malaganap bagaman walang tiyak na batayan.
sa·bi·tán
png |[ sabit+an ]
:
ang pinagbibitinan ng anumang bagay.
sa·bi·yá
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng yerba.
sa·bi·yák
pnr |[ ST ]
:
kapansin-pansin, gaya ng mabangong bulaklak o ng punongkahoy na pantay-pantay ang mga sanga.