sagi


sa·gì

png
1:
marahang pagdampi sa anumang nadaanan : KANTÍW, PAGISPÍS1, SAGÁID, SÁGHID, SÁGID, SÁGUD1, SANGGÎ, SAPÍGAR, SÁPYOT, TÁKIL Cf DÁGIL1

sá·gi

png |[ ST ]
1:
pagtakas sa pamamagitan ng paggawa ng bútas sa bahay o bakod
2:
pagdagit ng gabilan sa manok
3:
pagtahak sa isang pook sa paraang naninirà o nagbubukás ng daan.

sa·gi·bád·bad

png |Mus
:
katutubòng gitara na gawâ sa hungkag, magaan ngunit matibay na tabla, at may kuwerdas na gawâ sa himaymay na abaka, yantok, at bislig : KÚGLONG, SIDLÚING, TAMPÍPI2

sa·gib·síb

png |Bot |[ Ilk ]
:
suloy ng tubó o saging.

sá·gid

png |[ Ilk Tag ]

sa·gíd·ying

png |[ Mag ]

sa·gí·la

png |[ ST ]
1:
pagdaan nang malapit o bahagyang sumasayad sa pader
2:
pagbabaling ng tingin nang hindi tumititig
3:
pagdalaw nang hindi tumitigil sa alinmang bahay
4:
pagsagí sa isipan ng isang tao.

sa·gi·lá·la

png |Bot

sa·gí·lap

png
1:
[ST] pagkuha ng isang bagay sa ilalim ng tubig
2:
[ST] sa Laguna, tumutukoy ito sa pagkulo o pagbula ng palayok o iba pang likidong may karbonato
3:
manipis na bulâ sa rabaw ng inúmin.

sa·gi·lót

png
:
buhol na madalîng kalasin.

sa·gim·pót

png
:
bilis ng pag-imbulog.

sa·gim·sím

png
1:
malungkot at madilim na pangitain : AREPÉP, EGGÉD, ÓMEN, PARTÁAN1, PÓRTENT1 var salagimsím Cf SENYÁL, SÍGNOS
2:
pag-iisip na hindi gaanong tumatagal o bagay na biglang naalaala.

sa·gi·muy·móy

png |[ ST ]
:
bagay, salita, o idea na pawang walang kabuluhan at halaga : NONSENSE

sá·ging

png |Bot |[ Akl Hil Mrw Seb Tag War ]
1:
halámang tropiko (genus Musa ) may katawang saha, dahong palapa, at may kumpol na bulaklak na nagiging buwig ng bunga : BANANA, BATÁG, DUPÔ, KANÁRA, PLÁTANÓ, PÓNTI, SAHÍNG, VINYÍVE
2:
tawag din sa bunga nitó : BANANA, BATÁG, DUPÔ, KANÁRA, PLÁTANÓ, PÓNTI, SAHÍNG, VINYÍVE

sá·ging-mat·síng

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng saging.

sá·ging-sá·ging

png |Bot |[ ST ]
:
kumpol o buwig na katulad ng saging.

sa·gíng-sa·gí·ngan

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng ilahas na punò.

sa·gin·sín

png
:
varyant ng sinsín.

sa·gíp

png |[ ST ]
1:
pagtanggap sa responsabilidad ng iba
2:
pagiging bihag bilang garantiya sa pagtupad sa kasunduan.

sa·gíp

pnd |mag·sa·gíp, sa·gi·pín, su·ma·gíp
:
iligtas mula sa pagkalunod o anumang kapahamakan : ARAYÁTEN, LINGKAWÁS, SÁBET, SAGÚP, SAPÓD

sa·gi·péd

png |[ Ilk ]

sa·gi·pó·on

png |[ Mrw ]

sa·gí·sag

png
1:
bagay na kumakatawan o palatandaan ng kalidad, estado, o uri ng tao : KALÁSAG1, SÍMBOLÓ, SYMBOL2
2:
marka, disenyo, o pigura na nagpapakilála ng isang bagay : KALÁSAG1, SÍMBOLÓ, SYMBOL2
3:
Lit Sin salita, parirala, hulagway, o katulad na may masasalimuot na kaugnay na kahulugan at itinuturing na halagang likás at hiwalay sa kinakatawan nitó : ALEGÓRYA, KALÁSAG1, SÍMBOLÓ, SYMBOL2

sa·gí·sag

pnd |ma·na·gí·sag, su·ma·gí·sag |[ ST ]
:
tumindig ang buhok o balahibo.

sa·gí·sag-pa·nú·lat

png |[ sagisag-pang+sulat ]
:
pangalang ginagamit sa pagsulat ng isang awtor : PSEUDONYM, SEUDÓNIMÓ, TAKUBÁN2

sa·gí·sap

png |[ ST ]
1:

sa·gi·sá·pat

png |[ Ilk ]
:
taog sa tanghali.

sa·gí·si

png |Bot
:
katutubòng palma (Heterospathe elata ), tuwid at tumataas nang 20 m, may dahong tíla niyog, at may bungang lumalabas sa ilalim ng dahon.

sa·gi·sí·on

png |Zoo |[ Seb ]

sa·git·sít

png
1:
[Bik Hil Mrw Seb Tag War] matinis na tunog ng pinahabàng is : INGÁW2, SALÍTSIT, SANÍTSIT, SARÉTSET, SAYÉTSET
2:
tunog ng pagpiprito sa kawali, ng malakas na puslit ng tubig sa gripo o túbo, o ng biglang preno : INGÁW2, SALÍTSIT, SANÍTSIT, SARÉTSET, SAYÉTSET

Sagittarius (sa·gi·tár·yus)

png |[ Ing ]
1:
Asn malakíng konstelasyon na kinakatawan ng isang sentaurong may daláng búsog at pana
2:
ikasiyam na tanda ng zodyak (22 Nobyembre –21 Disyembre ); o tao na isinilang sa petsang nakapaloob sa tandang ito.