salapi


sa·la·pì

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palay.

sa·la·pî

png |Ekn Kom
1:
[Hil Kap Seb ST War] paraan ng palítan na nása anyong barya o papel : ATÍK, BIRÍNG1, CURRENCY, DATÚNG, DATÚUNG, DINÉRO, DOUGH2, KUWÁRTA, METÁLIKÓ, MONEY, PÉRA1, PIRÁK1, SHEKEL3, SIRKULASYÓN4 Cf PÍSO, PÍLAK, SENTIMÓ, SENSÍLYO
2:
[Hil Kap Seb ST War] tostón
3:
Kas noong panahon ng Español , kalahating piso o apat na reales.

sa·lá·pid

png
1:
dalawa o tatlong hiblá na ipinulupot nang maayos gaya ng lubid, mahabàng buhok, at mga katulad var salápir
2:
pagbabago ng posisyon sa sayaw.