salubong


sa·lu·bóng

pnr
:
nagtagpo mula sa magkasalungat na dalawang daloy o panig.

sa·lú·bong

png |[ Kap Tag ]
1:
pag·sa·lú·bong pagkilos upang tanggapin ang panauhin : ABÉT, DAMPÓG, SÁBAT, SABÉT, SAGANÂ, SINUGÁTAN, SÚGAT4, TARIMÂ
2:
pag·sa·sa·lú·bong pagtatagpô1
3:
sinumang tagatanggap ng panauhin — pnd mag·sa·lú·bong, pa·sa·lu·bú·ngan, sa·lu·bú·ngin.

Sa·lú·bong

png |Tro
:
pagtatanghal tuwing Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng estatwa ni Kristo at ni Birhen Maria : ALELÚYA, PADÁFUNG, PAGKABÚHAY3, SÚGAT