sasa
sa·sà
pnd |mag·pa·sa·sà, pag·pa·sa·sá·an
:
magtamasa ng anumang kasaganaan.
sá·sa
png |[ ST ]
1:
paghatì sa gitna
2:
paghahatì sa isang lupain
3:
pananatili sa kainitan ng araw, tindi ng hangin, at katulad
4:
pagiging napakaingat sa pagpapalakad ng tahanan, o sa tindig ng katawan
5:
paggawa o pagdaan nang lubhang mabilis.
sa·sa·bu·ngín
png |[ sa+sabong+in ]
sa·ság
png |Ark
:
dingding na sawalì.
sá·sak
png
:
huni ng butiki.
sa·sak·yán
png |[ sa+sakay+an ]
1:
anumang nakapagdadalá o nakapaghahatid ng tao o bagay, gaya ng kotse o bus : BEHÍKULÓ1
2:
pamamaraan ng paghahatid at pagdadalá : BEHÍKULÓ1
sa·sak·yáng-dá·gat
png |Ntk |[ sasakya+ng-dagat ]
:
malakíng bangka na ginagamit sa pagtawid ng dagat : EMBÁRKASYÓN2,
SHIP1
sa·sál
png |[ Kap Tag ]
:
tindi ng sakít, kalamidad, at damdamin.
sa·sap·nán
png |Ana |[ sa+sapin+an ]
:
ibabâng bahagi ng balakang.